Kyliealjur

Kylie, kinumpirma ang pakikipaghiwalay kay Aljur

July 9, 2021 Vinia Vivar 718 views

Kinumpirma ni Kylie Padilla na hiwalay na nga sila ng asawang si Aljur Abrenica sa pamamagitan ng isang official statement.

Sa naturang statement ay inamin ni Kylie na talagang dumaan ang kanilang pamilya sa matinding pagsubok at sana raw ay irespeto ang kanilang desisyon.

Sinabi rin niya na sa ngayon ay co-parenting sila ni Aljur sa kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Narito ang full statement ni Kylie:

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.

“All we need right now is respect — first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family — to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

“Thank you for your love and support.”

Nauna nang kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang hiwalayan sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

Ayon kay Binoe ay may third party involved sa hiwalayan sa parte ni Aljur.

HEART, SOBRANG HOT — ERVIC

Matagal na palang crush ni Kapuso actor Ervic Vijandre si Heart Evangelista kaya given the opportunity na makapagbida sa isang project ay gusto raw niya itong makatrabaho at maging leading lady.

“Since highschool, crush ko na si Heart Evangelista,” pag-amin ng binata sa ginanap na virtual presscon last Thursday matapos ang pagre-renew niya ng bagong kontrata sa GMA-7.

“Well, naging ka-work ko na siya before, pero lalo ngayon, sobrang hot ni Heart Evangelista,” dagdag ni Eric.

May dalawa pang aktres na binanggit ang aktor na gusto niyang maging leading lady at ito ay ang ex-girlfriend niyang si Marian Rivera at ang kalilipat lang sa Kapuso channel na si Bea Alonzo.

Aniya about Marian, sa 11 years niyang pagiging artista ay hindi pa niya nakakatrabaho ang aktres kaya kung mabibigyan siya ng oportunidad ay sobrang kakaiba ito for him.

Same with Bea na never pa raw niya talagang nakatrabaho since nasa kabilang istasyon nga ito dati.

Samantala, sobrang thankful ni Ervic na muli siyang ni-renew ng GMA-7 especially sa panahon ngayon na hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng chance na ma-renew ang kontrata.

“Sobrang happy ako na ’eto, binigyan na naman ako ng isa pang oportunidad na maging Kapuso. Wala na akong mahihiling pa, sobrang alaga ako, sobrang blessed ako with GMA, lalo sa panahon ngayon, ang daming walang trabaho, and ‘yung bigyan ako ng ganitong pagkakataon uli, wala na akong mahihiling pa.

“Saka para sa akin, dito ako nagsimula, dito na rin ako matatapos,” ani Ervic.

Just recently ay nag-guest si Ervic sa seryeng Ang Dalawang Ikaw bilang ama ng batang si Nelson, karakter ni Ken Chan.

AUTHOR PROFILE