Janinet

Arthur, may kinalaman sa pagbu-bloom ni Janine?

July 9, 2021 People's Tonight 644 views

BROKEN hearted sa nakaraang pag-ibig ang singer na si Janine Teñoso nang gumawa ng kanta para sa kanyang unang EP titled Kwento sa Silid under Viva Records.

Ang unang single sa kanyang EP ay ang Pelikula featuring Arthur Nery.

Released na ang single at tagos sa puso ang rendition ni Janine, huh!

Kasama sa unrealsed tracks ang Ghosts In The Rooom, unang English song na sinulat ni Janine since her debut in 2017 na Fall.

Eh, naili-link ngayon ang snger kay Arthur.

Pero rason niya, they “only admire each other’s music” and “working together was quite easy and natural.”

Pero in fairness, blooming ngayon si Janine, huh!

May kinalaman kaya si Arthur dito? Wow!

ALJUR, TIKOM ANG BIBIG SA HIWALAYAN

binoeTIKOM ang bibig ni Aljur Abrenica sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Si Kylie lamang ang naglabas ng statement sa estado ng relasyon nilang mag-asawa. Hindi man niya diniretso na hiwalay na sila, ang salitang co-parenting ang ginamit niya sa mga lumabas sa 24 Oras.

Dalawang lalaki ang naging anak nina Kylie at Aljur matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Mas nauna pang nagkumpirma sa hiwalayan ng dalawa ang ama ni Kylie na si Robin Padilla. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE