PSF5

KUNG ORAS MO, ORAS MO

February 27, 2023 Melnie Ragasa-limena 199 views

Lalaki tinaga sa leeg, buhay!

HIMALANG nakaligtas ngunit malubhang nasugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng nakaalitang kapitbahay sa leeg sa Quezon City, Linggo ng gabi

Ang biktima ay nakilalang si Michael Torre, 34, car repair shop helper, at nakatira sa 46 Teodoro Compound, Mercury St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City, habang nakatakas naman ang kapitbahay na suspek na si Rico Ceroces.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), Fairview Police Station 5, bandang 7:30 p.m. (Pebrero 26) nang maganap ang insidente sa eskinita ng Teodoro Compound, Mercury St., sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Bustillo, naglalakad ang biktima sa eskinita ng compound nang bigla na lamang itong tagain ng dalawang beses sa leeg ng suspek.

Dahil sa tinamong malalim na sugat sa kaliwang kamay at leeg ay agad na isinugod ang biktima sa East Avenue Mediccal Center, habang agad namang tumakas ang suspek at iniwan ang ginamit na taga na may bahid pang dugo.

Patuloy pang tinutugis ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Samantala, nakaligtas ang suspek at mistulang pinatunayan ang kasabihan ng mga matatanda na “Kung oras mo, oras mo.”