dominic

Kumusta na si Dominic? ‘I’m good…’

February 27, 2024 Eugene E. Asis 94 views

VISIBLE si Dominic Roque sa ilang events sa kabila ng paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.

Namataan siya sa reunion concert ng Rivermaya kasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Itinuturing ni Dominic bilang Tita si Judy Ann dahil best friend ito ng kanyang San Francisco, USA-based Tita, ang dating aktres na si Beth Tamayo.

Muling naispatan si Dominic sa naganap na Ironman Motorcycle Challenge kung saan nakasama niya ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Ibig-sabihin, tila (o mukhang) hindi masyadong naapektuhan si Dominic sa paghihiwalay nila ni Bea.

Mas naapektuhan siya sa mga sinasabi niyang fake news tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea. In fact, pinadaan pa niya ito sa isang abogado, at hindi na lang basta dumiretso sa inirereklamo niya, ang batikang kolumnista at TV/radio host na si Cristy Fermin.

Kung tutuusin, baka naging mas malinaw kung siya mismo ang nagsalita ungkol sa kinasasangkutan niyang mga isyu at kontrobersya.

A man of few words. Kahit sa mga vlog ni Bea kung saan ipinakikita ang ilang mga biyahe nila sa ibang bansa, hindi masyadong nagsasalita si Dominic.

Nang subukan nga siyang hingan ng reaksyon ng isang reporter sa Ironman Motorctle Challenge, at kumustahin sa kasalukuyang situwasyon, wala siyang sinabi kundi: ‘I’m good.”

Well, if he’s good, people looking at (mga Marites) aren’t.

Hanggang ngayon, lahat ay nakatingin sa isang blangkong pader.

Puro hula. Magkakabalikan pa kaya sila ni Bea? Kaya nga, yung iba, idinaan sa manghuhula ang kasagutan.

Sa isang pakikipagkuwentuhan kamakailan sa feng shui consultant at traditional Chinese medicine practitioner na si Jean Yu Chua sa “Pandesal Forum” sa Kamuning Bakery with Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) president Dr. Cecilio K. Pedro and Wilson Flores, naitanong sa kanya kung may second chance pa kaya ang BeaDom sa Year of the Dragon? “There can be a good chance or opportunity to have a good relationship as long as maganda yung communication energy nila.”

So, communication is the key. May tsismis na madalas daw nakikita ngayon ang kotse ni Dominic sa labas ng bahay ni Bea. So are they communicating again? Are they communicating well?

Ang kasagutan, susunod (sa tono ni Boy Abunda). Abangan!

AUTHOR PROFILE