Kristel1

Kristel inaalagaan ng suitor sa South Korea

March 25, 2024 Aster Amoyo 96 views

KristelSUMAILALIM ng operasyon sa South Korea ang 29-year-old singer, actress at vlogger na si Kristel Fugar sa kanyang left leg kung saan tinanggal ang rare lump (tumor) na tumubo sa kanyang binti.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng singer, actress-vlogger na ninerbiyos umano siya nang siya’y sumailalim ng MRI (magnetic resonance imaging) at biopsy at saka siya in-advise ng doctor na ito’y tanggalin para hindi mauwi sa pagiging malignant.

Sa tulong ng kanyang Korean suitor na si Sun Hyuk (na hindi siya iniwanan), naisagawa ang successful operation kay Kristel sa isang hospital in South Korea last January. Nakauwi na rin siya ng Pilipinas since then.

Si Kristel ay nakapirma sa Five Stones Entertainment in South Korea na siyang namamahala ng kanyang management sa nasabing bansa kung saan siya nag-stay ng ilang buwan at kung saan din siya nag-aral ng Korean language. Sa kabila nito ay bukas pa rin umano siya tumanggap ng singing, acting and hosting jobs dito sa Pilipinas kung saan talaga siya naka-base.

Ang singer, actress-vlogger ay nagtapos ng Communication Arts sa University of Santo Tomas nung 2015. Isa rin siya sa naging miyembro noon ng long-running gag show na “Goin’ Bulilit” kung saan siya naging bahagi ng ilang taon since 2004. But it was in 2002 nang siya’y maging part ng “Bituin” TV series ng ABS-CBN gayundin ang “Marina” na sinundan ng iba pang serye ng ABS-CBN tulad ng “Kampanyerang Kuba,” “Dahil Sa Pag-ibig,” “Got To Believe,” “Bagito,” “Pangako sa `Yo,” “Doble Kara,” “La Luna Sangre,” “Ngayon at Kailanman”. Napanood din siya sa “Aja!, Aja! Tayo sa Jeju,” isang special travel show ng Kapamilya Online Channel and this prompted her na lalo pang i-explore ang South Korea until she landed in a talent management contract sa nasabing bansa.

Samantala, nahu-hold si Kristel na sagutin ang kanyang masugid na manliligaw na isang South Korean kahit gusto niya dahil sa kanyang pagiging miyembro ng INC.

Anak ni Jhong binigyan ng birthday tour ng HK Disneyland

JhongJhong1HINDI marahil akalain ng singer-dancer-actor, TV host at politician na si Jhong Hilario na magiging `celebrity kid’ ang kanyang almost three-year old na anak na si Sarina sa kanyang longtime partner na si Maia Azores.

Sarina will be celebrating her 3rd birthday sa Hong Kong Disneyland with her parents courtesy of Disneyland Hong Kong na natuwa nang mag-viral ang “Fly Me To the Moon” cover ng bata ng classic hit song ni Frank Sinatra na humamig ng mahigit 1m views and likes.

Parehong hands-on parents sina Jhong at Maia sa kanilang unica hija. Si Maia ang nagbi-video sa kanyang mag-ama habang si Jhong naman ang nagtuturo kay Sarina na kumanta at sumayaw.

Since Sarina was born ay madalas na itong kinakausap at kinakantahan ni Jhong. When she turned 1 ay marunong na itong kumanta kahit hindi klaro ang lyrics ng songs hanggang nakahiligan na nitong kumanta at sumayaw.

Since mahilig si Jhong sa mga lumang kanta, ito rin ang itinuturo niya sa kanyang anak tulad ng “Fly Me To The Moon,” “Moon River,” at marami pang iba. Ang medyo bagu-bago lamang ay ang “Let It Go” na theme song ng Disney movie na “Frozen”.

Natutuwa lamang si Jhong sa bonding nilang mag-ama kaya kapag siya’y walang commitment at nasa bahay ay parati silang nag-aaral ng bagong kanta. Tinuturuan din ni singer-actor, host at politician ang anak na sumayaw.

Hindi siguro makakalimutan ni Sarina ang kanyang 3rd birthday on March 27 dahil makikita niya roon ang kanyang mga paboritong Disney characters, isang dream come true para sa kanya maging sa kanyang parents na sina Jhong at Maia na first time ding makakarating ng Disneyland – Hong Kong.

Dahil sa pagiging matalino ni Sarina at pagiging biba nito, hindi kami magtataka kung maging child star ito.

Ano kaya’t gawing mainstay ng “It’s Showtime” si Sarina laluna sa mga segment ng mga bata?

Sarah at Matteo proud sa isa’t isa

SarahSarah1SINGER, actor, host, entrepreneur, celebrity endorser, Philippine Military reservist and athlete Matteo Guidicelli is celebrating his 34th birthday ngayong March 26 , Holy Tuesday at malamang na sa ibang bansa nila ito ise-celebrate ng kanyang misis, ang Pinoy Pop superstar na si Sarah Geronimo (35).

Hindi ikinakaila ni Sarah na takot umano siya sa responsibility ng pagiging ina pero hindi umano ito nangangahulugan na ayaw niyang maging nanay sa magiging anak o mga anak nila ng kanyang mister na si Matteo.

Tulad ni Matteo, handa na rin si Sarah na magkaroon sila ng baby. Last February 20, the celebrity couple celebrated their 4th wedding anniversary.

Kamakailan lamang ay tinanggap ni Sarah sa Hollywood, USA ang Global Force Award mula sa Billboard Women in Music, making her the first ever Filipina to receive the recognition. Ito’y sinundan ng “Woman of the Year” mula sa Billboard Philippines.

Of course, kung proud husband si Matteo, proud wife din si Sarah sa kanyang mister na busy ngayon sa kanyang hosting job sa “Unang Hirit” ng GMA, a new teleserye (also on GMA), ang kanyang iba’t ibang negosyo maging ang kanyang pagiging aktibo bilang athlete at celebrity endorser.

Kahit parehong busy sa kanilang respective careers ang celebrity couple, they make it a point na may oras sila parati sa isa’t isa.

Samantala, malapit na ring matapos ang dream house na ipinagagawa ng couple kung saan isang malaking kitchen ang kanilang ipinagawa dahil parehong mahilig magluto ang mag-asawa.

Umaasa naman ang mga supporter ng couple na sana’y magsama ang dalawa sa isang back-to-back concert and a movie together na silang dalawa ang mga pangunahing bida. Hindi naman ito magiging imposible dahil pareho silang nasa ilalim ng pangangalaga ng Viva who will make it happen for them.

Kim pwede kay Paulo, pero pwede pa rin kay Xian

PaoloMASAYANG-masaya ang Viu Philippines at ABS-CBN sa magandang resulta ng Philippine adaptation ng Korean 2018 hit TV series, ang “What’s Wrong with Secretary Kim” na pinagbibidahan ng rumored sweethearts (?) na ngayon na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Hindi naman makapaghintay ang fans ng dalawa na ito’y maipalabas sa telebisyon tulad ng “Linlang” na pinagbibidahan din ang dalawa na una ring ipinalabas on VIU bago ito ipalabas on TV.

Samantala, open si Kim na makapareha si Paulo sa isang movie kung may magandang project na darating.

Pero sinabi ni Kim na bukas pa rin umano siyang makatrabaho ang dating boyfriend na si Xian.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE