Kris

Kris inamin ang relasyon Kay Mark matapos maghiwalay

July 12, 2023 Aster Amoyo 227 views

Kris1MARAMI ang humanga sa politician na si Marc Leviste, vice-governor ng Batangas dahil sa ipinakita niyang pagmamahal at sakripisyo sa kanyang (ex) girlfriend na si Kris Aquino sa kabila ng pinagdadaanan nito ngayon na may kinalaman sa kanyang multiple autoimmune diseases.  Unlike Kris’ former fiancé, ang dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento na hiniwalayan siya.

Although kamakailan lamang inamin ni Kris ang kanilang relasyon, ang tinaguriang Queen of All Media na mismo ang nakipaghiwalay kay Mark dahil sa kanilang sitwasyon na long-distance relationship, ang obligasyon ng politician sa kanyang mga constituents (na ayaw umano niyang agawin) at ang patuloy niyang pakikipaglaban sa kanyang sakit na hanggang ngayon ay wala pang katiyakang lunas.

Mahigit isang taon na rin si Kris sa Amerika at bumalik na rin doon ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby matapos niya ito pabalikin ng Pilipinas.

Up this time ay wala pa ring kasiguraduhan ang paggaling ni Kris who’s still fighting it out to live longer  for her two precious sons na kailangan pa ang kanyang kalinga.

Sa part naman ni Mark, nanatili itong nagmamahal at tapat kay Kris sa kabila ng pakikipaghiwalay nito sa kanya not because hindi siya mahal kundi dahil sa kanyang sitwasyon ngayon.

In her recent post sa kanyang Instagram account, mahaba ang mensaheng ibinahagi ni Kris.

“This is a long overdue Gratitude post.  Marc (yes it’s with a C) @marcleviste is leaving to go home to fulfill his obligations to his Batangas constitutents.  Nobody I’ve evern been in a relationship with has ever given me as much love & encouragement.  He wasn’t only my boyfriend, he became my bestfriend and confidante, talagang maasahanb.  The usage of WAS is correct.

“My condition (the connective tissue disease which in my case seems to be my Churg Strauss, the progression of my Crest Syndrome, and the start of both rheumatoid arthritis and SLE) has gotten progressively worse, from all my physical manifestations (namamaga both my right & left knees, there’s excruciating pain especially on my entire left leg, and my right knee, swelling in my lower back, and purplish blue toenails (the pain is so bad that taking a few steps kinakaya ko BUT longer walks kailangan nang mag wheelchair.)

“I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, I’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain.  For the Filipinos working all over the world, I know I’m blessed to have kuya Josh & Bimb with me- but most moms reading this will agree, we don’t want our kids to suffer from anxiety about our health, especially kung solo parent ka like me.

To A.L. and C.L. thank you for being so warm, polite, appreciative and so easy to get along.  Like I promised while you dad’s not around consider the home we’ve leased to be yours as well.

“Thank you Mark for being here for me especially when my 2 “giants” went home BUT our reality is that there’s a Pacific Ocean that divived us, a 15-hour time difference, and a 13-hour flight.  You know how much I believe in you and the last thing I want is to be an obstacle in your career as a public servant.  This isn’t just a line, you will always have a place in my heart.

“We may not have had our “happily ever after” but being sick has really taught me to look at the glass half full – thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time (heart emoji).”

“Mabigat man ang loob ni Marc sa naging desisyon ni Kris ay buong puso niya itong tinanggap at bumalik na ito ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang tungkulin bilang vice-governor ng Batangas.

Pero hindi  ito nangangahulugan na tuluyan na niyang makakalimutan ang sandaling naging relasyon nila ng dating First Daughter at First Sister nina dating Presidente Cory C. Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino na pareho nang sumakabilang-buhay.

Edu at Cherrie Pie kumpirmadong hiwalay na

CherryCherry1ISANG malapit sa actor na si Edu Manzano ang nagkumpirma sa amin na hiwalay na umano ang actor sa award-winning actress na si Cherry Pie Picache na naging magkasintahan sa set ng teleseryeng “Marry Me, Marry You” na pinagbidahan nina Janine Gutierrez at Paolo Avelino at kung saan din nagsimula ang love affair ng dalawa in 2021.

Ang buong akala pa naman ng marami ay for good na ang relasyon nina Edu at Cherry Pie pero tulad ng ibang couple ay nauwi rin ito sa hiwalayan after more than one year of relationship.

Last Holy Week, we bumped into Cherrie Pie and her son Nio Tria at the Padre Pio church in Libis, Quezon City.  Doon pa lamang ay nagtaka kami kung bakit hindi nito kasama si Edu and we almost asked her kung nasaan ang kanyang partner.

Ganunpaman, nanatili umanong magkaibigan pa rin ang dalawa kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Bigla tuloy namin naalaala ang pahayag noon ni Edu sa aming panayam sa kanya for our online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel na gusto umano niyang ilaan ng kanyang oras sa kanyang mga anak (two of whom  ay nasa New York) at ang kanyang panganay na si Luis Manzano na meron nang pamilya at apo si Edu.

Bela busy flying and working

BelaLONDON-based actress, writer, director, producer and celebrity endorser Bela Padilla was recently in town for a reunion movie with her perennial screen partner na si JC Santos, ang romance-drama film na “Wish You Were the One” na pinamahalaan ni Derick Cabrino.  Ito bale ang pang-limang team-up nila ni JC na kanilang sinimulan sa hit movie na “100 Tula Para Kay Estela” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films na sinundan ng “The Day After Valentine’s” na si Direk Paul din ang sumulat ang nag-direk.  Bago dineklara ang Covid-19 pandemic, nakagawa pa sila ng pelikula, ang “Vodka, Beers and Regrets” mula naman sa panulat at direksyon ni Irene Villamor.  Muling nagsama ang dalawa sa movie directorial debut ni  Bela, ang “366”.

Another reason kung bakit nag-extend si Bela ng kanyang stay sa Pilipinas ay dahil naging abala rin ito sa kanyang bagong Korean beauty skin brand na ini-endorso, ang Aera x Bela na available na in all Watson’s branches.  She also had a successful ‘meet and greet’ with her fans sa SM Megamall (Bldg. A) who availed of the products na talagang effective laluna sa may delicate skin tulad niya.

Ang Aera ay produkto ng Biocostech Philippines Corporation with Yougin Seo-Lapez as Director of sales & Marketing.  Yougin is pure Korean pero napakagaling niyang mag-Tagalog at magsalita ng English at masaya siya sa outcome ng kanilang collaboration with Bela.

From her “meet and greet” in SM Megamall ay lumipad si Bela patungong South Korea then tuloy ng London kung saan siya naka-base since 2021 but will fly back to Manila para tumulong sa promo ng kanyang bagong movie with JC Santos.

Ayon kay Bela, adjusted na umano siya sa kanyang buhay sa London where she can write new materials.

Although malayo ang London sa Pilipinas, she can always make herself available whenever she’s needed here.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon for notification of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo”  on my YouTube channel.   Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE