
Bea at BarDa/FiLay fans, kinilig sa pagsisinungaling ni David
Dalawang beses na-detect na nagsinungaling si David Licauco nang sumalang sa lie detector challenge vlog ni Bea Alonzo kamakailan.
Ang nakakatuwa, pareho itong may kinalaman sa ka-loveteam niyang si Barbie Forteza.
Ang first “lie” ay nang tanungin ni Bea si David kung may time ba na naisip nito na “what if naging sila ni Barbie.”
Ang sagot ni David ay “no,” pero hindi sumang-ayon ang lie detector apparatus.
“Hahahaha, first lie of the day,” tumatawang kantyaw ni Bea kay David.
Hirit pa ng aktres, siya kasi ay hindi maiwasang maisip ‘yun noong kasagsagan ng loveteam nila ni John Lloyd Cruz.
“Kami ni John Lloyd, we were never together, we were never romantically involved, but of course, sometimes, naiisip ko ‘yun na ‘oo nga, ‘no? Paano nga kaya?’ Kasi everyone’s telling me to just date him,” sey ni Bea.
Kaya umamin na rin si David na sumasagi rin sa thoughts niya ‘yun pero may respeto siya sa relasyon ni Barbie at ng boyfriend nitong si Jak Roberto.
“Siyempre, I respect ‘yung relationship nila and all that, pero like, totoo naman, what if?” sey ni David.
Isa pang “lie” ni David ay ang sagot niya sa last question ni Bea na “crush mo or naging crush mo ba si Barbie?”
Sagot ng Pambansang Ginoo, “Eh, paano kung sabihin kong hindi?”
Ang lakas ng tawa ni Bea nang naging “lie” ang resulta nito at sey pa niya, kinikilig siya.
Napatili pa nga ang aktres sa sobrang kilig.
“I love it, kinilig ako do’n,” natatawang sabi ni Bea.
Natawa na lang si David at hindi na nakapagsalita pa.
Pati ang netizens ay kinilig at sey ng isang BarDa/FiLay fan, hindi siya maka-move on sa last question na ‘yun.
“Galing Pambansang Ginoo! Maginoo ka talaga… gustong gusto ko at malamang sa malamang, yong pinaka last na question ang Grabeeee TUMATAK sa lahat lalo na sa lahat ng BARDA/FILAY forever LVETEAM fans. kc nag lie ang sagot ng Ginoo…. kung naging CRUSH nya si BARBIE F. FOREVER BARDA/FILAY,” komento naman ng isang avid fan.