BOC

Koleksyon ng BOC umabot ng P75.33B

December 10, 2023 Vic Reyes 165 views

Vic ReyesPATULOY ang magandang “revenue collection performance” ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamamahala ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

At huwag natin kalimutan na isa sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ay ang paglaban sa ismagling at katiwalian sa gobyerno.

Kung mababawasan o mawawala ang ismagling at korapsyon sa bansa ay siguradong makikinabang ang bayan at taumbayan.

Tataas ang perang papasok sa kaban ng bayan na kailangang-kailangan ng gobyerno para mapondohan ang mga malalaking proyekto nito.

Ang mga proyekto at programang ito ay naglalayong mapabilis ang socio-economic development ng bansa na pinahirapan ng COVID-19.

Sa aduana nga ay tuloy ang pag-angat ng koleksyon ng BOC, ang pangalawang pinakamalaking revenue generating agency ng gobyerno nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Nito lang nakaraang buwan ng Nobyembrte ay umabot ng P75.338 bilyon ang revenue collection ng mga BOC.

Sinabi ni Rubio, isang Ilocanong taga-Batac City sa Ilocos Norte, na “the November collection may be attributed to “efficiency in tax collection.”

“We are really doing great in assessing the goods that are coming in,” ayon sa BOC chief, na isang dating intelligence officer ng ahensya.

Sa unang labing-isang buwan ng 2023 (Enero-Nobyembre) ay umabot ng tumataginting na P813.651 bilyon ang koleksyon ng BOC.

Ito ay mas mataas ng 3.9 percent o P24.405 bilyon “from last year’s P789.246 billion revenues during the same period,” ayon sa report.

Kadalasan ay malaki ang koieksyon ng BOC sa huling limang buwan ng taon dahil dagsa sa bansa ang mga tinatawag na Christmas items.

Kasama na ang Christmas lights, food products at electronic devices na madalas na pang-regalo ng OFWs sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.

Mahilig ding mamili ang mga kababayan natin ng mga mamahaling relo, cellular phone, laptop at iba pang state-of-the-art appliances tuwing holiday season.

***

Tama lang ang panawagan ng maraming sektor na dapat pagsuutin natin ng maskara ang ating mga anak kapag sila’y nasa labas ng bahay.

Kahit walang order mula sa gobyerno ay mga magulang na mismo ang boluntaryong pagsuutin ng maskara ang mga bata.

Alam naman natin na kung anu-anong mikrobyo ang nalalanghap natin kahit pa nasa loob na tayo ng ating mga tahanan.

Walang masama kung pati matatanda ay magsusuot na din ng maskara bilang proteksyon sa mga naglipanang mikrobyo.

Usong-uso pa naman ang ubo, sipon at iba pang respiratory diseases kapag panahon ng tag-lamig sa Pilipinas.

Huwag tayong pasaway.

Makinig tayo sa mga paalaala ng Department of Health para malayo tayo sa disgrasya.

Ang mahal pa naman ng mga gamot. Hindi bale sana kung madaling kumita ng pera ngayon.

***

Kung panahon ng Kapaskuhan sa Pilipinas, kitang-kita ang pagkakaiba ng buhay ng mga mayaman at buhay ng mga mahihirap.

Ang mga filthy rich ay sa labas ng bansa namimili pero ang mga mahihirap ay kung saan-saan na lang namimili ng mga laruan o pang-noche buena.

Marami nga diyan ay hindi pa makapunta sa mga kilalang shopping mall para mamili o kumain man lang bago ang Araw ng Pasko.

Pero kung minsan ay kasalanan din ng marami nating kababayan dahil marami sa atin ay mga tamad at walang ginawa kundi mag-istambay.

Kaysa magtrabaho, inuuna pa ang mag-maritess at makipag-inuman sa mga kapitbahay at kabarkada.

Ang sakit, ‘di ba?

(Para sa inyong komento at suhestiyom, mag-text sa #0917-8624484/email:Tingnannatin [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE