Kit balik-eksena matapos ang iskandalo

September 4, 2022 Aster Amoyo 564 views

MATAPOS ang ilang buwang pananahimik, balik-acting ang controversial actor na si Kit Thompson sa pamamagitan ng pelikulang “Showroom” na pinamamahalaan ni Carlo Obispo at produced ni Len Carillo.

Tampok din sa “Showroom” movie sina Quinn Carillo, Rob Guinto at Emilio Garcia.

It’s been over five months matapos masangkot sa isang matinding iskandalo ang Fil-New Zealander actor na may kinalaman sa ginawa niyang pananakit at pag-detain sa kanyang (dating) girlfriend, ang sexy actress na si Ana Jalandoni sa isang hotel in Tagaytay na nangyari nung nakaraang March 2022.

It must have been an expensive lesson for the 25-year-old former Pinoy Big Brother housemate dahil bukod sa matinding kahihiyan na kanyang inabot, he lost some of his projects at kasama na rito ang pagiging leading man sa launching digital series ni Herlene Budol, ang “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” at sa Philippine adaptation ng K-drama series na “Flower of Evil” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

He was also out of work (from acting) for over five months dahil sa eskandalong kanyang kinasangkutan.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Kit na muli siyang nabigyan ng pagkakataon na magtrabahong muli bilang actor at umaasa siya na sana’y magtuluy-tuloy na ito. After all, he learned his lessons the hard way.

Si Kit ay huling napanood sa hit primetime TV series na “La Vida Lena” na pinangunahan ni Erich Gonzales. He was also featured in one of the episodes ng top-rating and long-running drama anthology, ang “Maalaala Mo Kaya”.

Kit took-up a one-year filmmaking program sa New York Film Academy and also took master classes at Susan Batson Studios bago niya binalikan ang kanyang acting career sa Pilipinas.

Atasha

Atasha iri-represent ang Pinas sa isang Paris event

TWENTY-year-old Atasha Muhlach,he other twin child of celebrity couple Aga Muhlach and Charlene Gonzales-Muhlach is representing the Philippines sa annual “Le Bal des Debutantes” in Paris sa darating na November 26, 2022 na gaganapin sa Shangri-La Hotel in Paris.

There are about twenty to 25 debutantes from different countries ang naiimbihan to participate the highly-anticipated fashion event in Paris.

Ang mga invited debutantes ay mga anak ng mga kilalang personalities sa iba’t ibang field tulad ng entertainment, business, politics at iba pa.

Si Atasha ay twin sister ni Andres Muhlach, mga anak ng dating matinee idol, ang actor na si Aga Muhlach at dating beauty queen, actress at host na si Charlene Gonzales.

Si Atasha ay kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa London taking up a business-related course habang ang kanyang twin-brother ay sa Spain naman nag-aaral.

Makakasama sa invitational fashion and charity event na Le Bal ang kanilang respective parents at magkakaroon ng participation ang mga fathers of the debutantes sa pagsayaw ng waltz with their daughters bago nila ang mga ito ipasa sa kanilang cavaliers (or escorts). Debutantes’ age range from 16 to 22

A day before the event, magkakaroon ng orientation sa mga debutantes and their fathers and cavaliers at kasama na rito sa pagtuturo ng waltz dance session sa mga ama ng debutante at escorts.

Kailangan din mag-familiarize ang mga debutantes sa pagrampa suot ang mga gowns (ng mga kilalang fashion designers in Europe and fashion houses in Paris) with matching heels and brand jewelries.

At the day of the event, alas-9 pa lamang ng umaga ay magsisimula na ang hair and make-up sa mga debutant participants, pagsusuot ng kanilang mga gowns (designed by popular European designers) including jewelries. Kasunod na rito ang individual and group pictorials at pagpapakilala sa mga debutantes with their fathers in alphabetical order.

After dinner, ang fashion event ay sisimulan sa waltz dance ng isang debutante with her father na susundan ng lahat ng participants at pagkatapos ay saka naman ipapasa ng mga ama ng debutanetes sa kanilang mga cavaliers (escorts) na susundan naman contemporary music.

May pagkakataon ding ma-interview ang mga debutantes ng local fashion and lifestyle writers.

Ang pagiging participant sa annual Le Bal des Debutantes fashion and charity event ay isang rare opportunity kaya sobrang proud and honored ang unica hija ng mag-asawang Aga at Charlene na gayundin ang pakiramram.

Since model at dating beauty queen ang ina ni Atasha na si Charlene, tiyak na ito ang magiging mentor ng anak sa pagrampa.

Samantala, ang Le Bal des Debutantes is the only debutante ball in the world na by invitation only. Walang tickets na ibinebenta para lamang makadalo o makapag-participate sa nasabing event in Paris.

The event is organized by Ophelie Renouard who took over in 1992 na sinimulan in July 1958.

Samantala, ngayong sa ibang bansa nag-aaral ang kambal ng mag-asawang Aga at Charlene, ang couple na mismo ang dumadalaw sa kanilang mga anak sa London at Spain. In December last year, the family got together in the US.

Hindi man madali sa mag-asawang Aga at Charlene na mapawalay sa kanilang dalawang anak, nauunawaan naman nila na ito’y paghahanda na rin sa kanilang future.

Tony

Tony muling mapapanood

ANG JRB Production ng ABS-CBN ang nasa likod ng hit primetime TV series na “Mars Ravelo’s Darna” na pinagbibidahan ni Jane de Leon kung saan din tampok ng mga bituin sina Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla at Janella Salvador gayundin ng mga naunang series including the hit revenge drama na “Ang Iyo ay Akin”.

Soon ay sisimulan naman ng JRB Production unit ang isa pang bagong series na hindi pa nila ibinabahagi ang title pero ito’y pamamahalaan ng director na si FM Reyes, mister ng actress na si Rita Avila. Ito’y tatampukan nina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca at Jane Oineza among others.

Si Tony ay huling napanood sa mini series na “Click, Like, Share: Altered” at sa pelikulang “Hello Stranger: The Movie” in 2021 kaya ang upcoming TV series niya ay first project niya ngayong 2022.

Coco

Rowell may bagong show agad

MATAPOS mapanood sa nagtapos na hit longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin na siya ring tumayong creative director at isa sa mga director ng serye, agad namang nagkaroon ng bagong follow-up TV series ang actor at concert director na si Rowell Santiago, this time hindi sa Kapamilya network kundi sa GMA o Kapuso network.

Si Rowell ay isa sa bumubuo ng cast ng GMA adapration ng 2020 hit K-drama series na “Start-UP PJ” kung saan tampok ang unang tambalan nina Alden Richrds at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales with Gina Alajar,Kim Domingo, Boy2 Quizon, Ayen Munji-Laurel, Jackie Lou Blanca, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Kevin Santos, Jojo Alejar, Bernadette Allyson at Royce Cabrera. May special guest participation din sa nasabing serye sina Ricky Davao, Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese.

AUTHOR PROFILE