Kiray Photo: Kiray Celis/IG

Kiray Celis, Stephan nagtukaan

August 23, 2023 People's Tonight 158 views

NAGPAKILIG sa netizen ang mga larawang ibinahagi ni Kapusong komedyante na si Kiray Celis kasama ang kanyang boyfriend na si Stephen Estoria.

Makikita kasi sa larawan ang tukaan at lambingan ng dalawa sa Camp Irog sa Daraitan, Tanay, Rizal.

Bukod sa larawan ay ang caption ng pagbati ni Kiray sa kanyang nobyo sa kaarawan nito.

Aniya, “Happy happy birthday, @stephan.estopia at advance happy Anniv! Going 4 years na tayo, Kaya alam kong 4ever nato! Ayiee!”

“Btw, sa CAMP IROG sa daraitan kami nagstay! Check niyo sila! Napaka relaxing at ang ganda ganda dito!” dagdag pa niya.

Four years and going strong pa rin ang dalawa. Sey naman ng netizens, sana sila na ang magkatuluyan.

Matatandaang, nag-date ang dalawa noong 2019. Nagsimulang na-develop ang feelings ni Kiray kay Stephan noong nagkasama sila sa isang online game, hanggang sa lumalim ito ngayon ay apat na taon na silang nagmamahalan.

AUTHOR PROFILE