Dizon LEADER–Pinangunahan ni MPD chief Police Brig. General Andre Dizon ang pagmamando sa kanyang mga kapulisan habang nagsagawa ng kilos protesta ang mga raliyista sa Plaza del Gobernador sa Intramuros, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kilos protesta vs martial law bantay sarado sa MPD

September 21, 2023 Jonjon Reyes 307 views

Dizon1MAHIGPIT na binantayan ng mga pulis ng Manila Police District ang mga nagsagawa ng protesta para gunitain ang martial law sa Plaza del Gobernador sa Intramuros, Maynila Huwebes.

Hindi lamang sa Maynila isinagawa ang nasabing aktibidad kundi maging sa ibat-ibang probinsya kung saan nakiisa ang ibat-ibang grupo upang ihayag ang kanilang mga issues at hinaing.

Sa Maynila, nagtipon-tipon ang grupo ng Kabataan Party-List, BAYAN, Tanggol Magsasaka, Karapatan Southern Tagalog at Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan sa Plaza Ferguson sa Roxas Boulevard.

Mayroon ding mga militanteng grupo na nagsagawa ng maikling programa sa Mendiola at Intramuros.

Sigaw ng mga rallyista, ibasura ang anti-terror act, at isabuhay ang sinimulang pakikibaka para sa karapatan, lupa at hustisya.

Hiling din ng mga rallyists na itigil na ang mga pagpatay at itigil na ang state terrorism.

Kasabay ng pagdiriwang ng Martial Law, ilang grupo din ang nagsagawa ng rally sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila.

Kabilang sa mga nagsagawa ng rally ang Angat Pampanga, Justice Truth and Transparency, Carmelite Missionaries Sister at iba pa kung saan nagsagawa ng programa at prayer rally na pinangunahan ni Fr. Robert Reyes.

Hiling ng grupo na i-abolish ang Smartmatic para sa halalan, repormahin ang sistema ng eleksyon at ibasura ang Smartmatic.

AUTHOR PROFILE