Crime

Kelot tinambangan sa tindahan, tsugi

September 6, 2023 Bernard Galang 112 views

PATAY ang isang lalaking bumibili sa isang sari-sari store Miyerkules ng umaga sa Santa Rosa, Nueva Ecija.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Rosa police ang biktima na si Rodel Santa Maria, 38, ng Bgy. La Fuente.

Ayon sa pulisya, huminto ang biktimang sakay ng motorsiklo sa harap ng isang sari-sari store sa Bgy. Soledad para bumili nang sumulpot mula sa kanyang likuran ang di pa kilalang suspek na nakasuot ng puting long sleeve na shirt na nakasakay sa puting motor at binaril ang biktima ng ilang beses saka tumakas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang suspek at ang motibo sa likod ng pamamaslang.

AUTHOR PROFILE