Default Thumbnail

2 mangingisda naglaho sa WPS

September 6, 2023 Zaida I. Delos Reyes 170 views

DALAWANG mangingisda ang nawawala matapos na magtungo sa West Philippine Sea (WPS) upang mangisda nitong Linggo.

Kinilala ang mga nawawala na sina Ronie Baldeviso, 41 at Mark Anthony Egar , 27 pawang mga resident eng Barangay Apatot, San Esteban, President Quirino, Ilocos Sur.

Batay sa ulat ng pulisya, nagtungo ang mga biktima sa WPS dakong 1:00 ng tanghali nitong Linggo lulan ng isang bangkang de motor na may tatak na Coline Kaezy/Ron Justine at body number na ILS-10-78.

Inaasahang makakabalik ang mga mangingisda sa kanilang lugar nitong Martes subalit nabigo ang mga ito.

Nakipag-ugnayan narin ang pamilya ng mga biktima sa Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG) at San Esteban Municipal Rescue personnel upang makita ang mga nawawalang mangingisda.

Samantala, nailigtas naman ng mga awtoridad ang isang mangingisda na nawala sa karagatang sakop ng Barangay Nangalisan , Santa Lucia, Ilocos matapos na masiraan ang bangkang ginamit nito sa pangingisda.

Nakilala ang biktima na si Pepito Carera, 37 –anyos at resident eng Barangay Ilocanos Sur, San Fernando , La Union.