Posas

Kelot sinunog bahay dahil di nasarapan sa nilagang baboy

December 20, 2023 Zaida I. Delos Reyes 216 views

ARESTADO ang isang lalaki matapos sunugin ang sariling bahay dahil hindi siya nasarapan sa nilagang baboy na inihain sa kanya nitong linggo sa Balamban, Cebu City.

Sasampahan ng kasong arson at physical injuries ang suspect na si Gerald Balsa, 39, at residente ng Sitio Sam-ang, Bgy. Pondol.

Batay sa ulat ng Balamban Fire Station,hindi nagustuhan ng suspect ang lasa ng sabaw na inihain sa kanya kung kaya’t nagalit ito at sinunog kanilang bahay.

Nauna umanong sinilaban ng suspect ang foam mattress ng kanyang kama. Mabilis na lumaki ang apoy at tinupok ang buong kabahayan.

Nasugatan sa insidente ang kanyang ina na ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.

Sa pagtaya ng BFP, umabot sa P400,000 ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.