KD

KD at Alexa may gustong gawing first time

November 15, 2022 Aster Amoyo 753 views

BREAKTHROUGH loveteam KD Estrada and Alexa Ilacad are set to do their very first live musical play titled “Walang Aray” to be staged by the Philippine Educational Theater Association (PETA) from February – May 2023 at the PETA Theater Center in Quezon City. Ito bale ang unang pagkakataon na magkasama ang dalawa sa isang live musical play. Bukod sa kanilang pagiging actor, sina KD at Alexa ay may common ground in singing and songwriting. Ang dalawa ay naging close sa isa’t isa nang maging bahagi sila sa reality show na “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”.

Sina KD ay Alexa ay bahagi ng roster of talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Nagkasama rin ang dalawa sa “Run to Me” series ng iWant TFC na ipinalabas din sa Kapamilya Channel and A2Z.

Next to the hot loveteam of Donny Pangilinan at Belle Mariano, kasunod na ang tambalan nina KD at Alexa.

Dagul

Dagul may panawagan

HANGGANG ngayon ay umaasa ang actor-comedian na si Dagul (Romy Pastrana) na mabibigyan pa rin siya ng trabaho sa showbiz either sa telebisyon o sa pelikula para matulungan niya ang kanyang pamilya – his wife, four children and two grand children.

Sa kabila ng pagiging dwarf, hindi ito naging balakid kay Dagul na tapusin ang pag-aaral at magkaroon ng sarili niyang pamilya. While in college, nagkagusto siya sa isang babae (na may normal height) na isa ring college student noon sa Colegio de San Agustin – Bacolod. He pursued her at naging sila hanggang sila’y magkatuluyan bilang mag-asawa. Nagkaroon sila ng apat na anak – three boys and one girl. Ang tatlong boy ay may normal height at panganagatawan habang ang kanyang bunsong anak na babae na si JKhriez (18) ang nagmana sa kanya. Tulad ni Dagul, nag-aartista na rin si JKhriez at napapanood sa iba’t ibang programa ng GMA kung saan din nagsimula noon si Dagul sa pamamagitan ng sitcom na “Kool Ka Lang”.

Si JKhriez ay isang talented singer at Tiktoker with almost 800k followers.

Siyam na magkakapatid sina Dagul at panglima siya at siya lamang ang mag-isang lalake.

Sa kabila ng pagiging drawf, hindi ito naging hadlang sa mga pangarap ni Dagul at hindi rin nag-iba ng trato sa kanya ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

Aminado si Dagul na nung kabataan niya ay maliksi umano siyang kumilos at hindi niya kinunsider ang sarili niyang abnormal.

When he got married in 1993, magkatulong umano sila ng kanyang misis na si Aljean na magtinda-tinda ng mga damit sa palengke hanggang mag-desisyon silang lumuwas ng Maynila para rito na makipagsapalaran.

Sa isang pagkakataon, nanoond umano siya ng lunchtime show ng ABS-CBN, ang “Sanglinggo nAPO Sila” kung saan isa sa hosts ay ang singer-actor-host na si Randy Santiago. Namataan umano siya ni Randy sa audience at tinanong niya kung gusto nitong mag-artista. Pero sa halip na sa ABS-CBN ay inilagay umano siya nito sa “Kool Ka Lang” ng GMA kung saan isa sa lead stars ang ang nakababata niyang kapatid na si Raymart Santiago. Kasama rin sa nasabing sitcom sina Joey Marquez, Long Mejia at iba pa. Sa nasabing programa nagsimula ang closeness nina Long at Dagul.

Ang screen name na Dagul ay bigay sa kanya ng dating production executive ng GMA na si Redgie Acuna-Magno.

From GMA ay magkasunod na lumipat ng ABS-CBN sina Long Mejia at Dagul na parehong naging bahagi ng noontime program na “Masayang Tanghali Bayan”.

Naging bahagi rin siya ng “Ok Fine! Whatever!” “Yes Yes Show” and in 2005 up to 2019 ay naging part siya ng longest-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na pinamahalaan ng singer-actor-comedian-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Ang “Goin’ Bulilit” ang longest program na kinabilanan ni Dagul. Ang mga kasama niyang bata ay grumagradweyt at a certain age pero siya lamang ang thindi nawala sa programa until its last airing in 2019.

“Malaking tulong sa akin at pamilya ko ang kinikita ko dati sa “Goin’ Bulilit” kaya para akong nawalan ng pakpak nang mawala ang show,” pag-amin ni Dagul.

Sumunod ang pananalasa ng Covid-19 which left everyone by surprise.

“Yung konting ipon ko ay unti-unting naubos,” pag-amin niya.

“May pamilya akong binubuhay, paano na lang,” aniya.

In 2010, tumakbo bilang kagawad sa isang barangay in Montalban si Dagul at siya’y nanalo at naupo sa loob ng dalawang termino. On his third term ay tumakbo siya sa pagka-konsehal bilang independent candidate pero natalo siya dahil bukod sa wala siyang partido wala rin umano siyang pera at politicial machinery at hindi rin umano niya nalibot ang iba’t ibang lugar ng kanilang barangay dahil sa kanyang kundisyon.

Ang panganay na anak ni Dagul ay nagtapos ng isang two-year course bilang aircraft mechanic pero agad umano itong nag-asawa kaya meron na siyang dalawang apo rito. Ang siste, wala itong regular na pinagkakakitaan sa ngayon.

Ang kanyang second son ay nagtapos ng marine engineering pero jobless pa rin hanggang ngayon habang ang kanyang ikatlong son ay nasa grade 12 pa lamang pero balak umano nitong kumuha rin ng Marine Engineering. Ang bunso niyang anak ay planong maging isang abogada.

Nananawagan si Dagul sa mga TV and movie producer na sana’y mabigyan umano siya ng trabaho. Habang wala ito, nagtitiyaga ang actor-comedian at ang kanyang misis sa kanilang maliit na sari-sari store para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sam

Sam hands on mom and wife

PRINT ad/TV commercial model, actress-entrepreneur Sam Pinto is a hands on mom to her one-year-old daughter na si Mia Aya by her Fil-Australian cager husband na si Anthony Semerad.

It was on November 2019 when Sam and Anthony got engaged while the couple was on vacation in Australia. On March 8, 2021, the couple tied the knot in civil wedding rites. Two months later, they announced that they were expecting a baby, a girl.

Sam is also a successful entrepreneur. She owns and runs L’Sirene Boutique Resort in Baler, Quezon which she opened on September 2017.

Since she got married and had her first baby ay hindi pa binabalikan ni Sam ang kanyang showbiz career.

Aljur

Aljur espesyal pa rin si Kylie

SINGER-actor Aljur Abrenica plays the role of Sgt. Franco sa true-to-life movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told” na pinagbibidahan nila nina Edu Manzano at Paolo Gumabao, among others. Ito’y mula sa panulat ng premyadong writer na si Eric Ramos at dinirek ni Lester Dimaranan under Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio at isa sa walong official entries sa darating na 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimulang mapanood sa araw ng Pasko, December 25 hanggang January 7, 2023.

In our one-on-one interview with Aljur, inamin nito sa amin na mananatiling espesyal sa kanyang puso ang ex-wife, ang Kapuso actress na si Kylie Padilla, dahil ito ang babaeng sobra niyang minahal at ina ng kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin (6) at Axl Romeo (3).

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, the singer-actor remains co-parenting their two sons with his ex-wife.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster”.

AUTHOR PROFILE