Herbosa Health Secretary Ted Herbosa sa Palace press briefing. Source: PCO

Kaso ng HIV sa bansa, tumataas

May 22, 2024 Chona Yu 162 views

NABABAHALA na ang Department of Health (DOH) sa tumataas na kaso ng HIV sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na sa pinakahuling record, nasa 55 na kaso kada araw ang naitatala sa Pilipinas na pinaka mataas sa buong mundo.

Ayon kay Herbosa, tinatayang 59,000 mga Filipino ang kasalukuyang namumuhay nang may taglay na HIV.

Ayon kay Herbosa, karamihan sa mga positibo sa sakit ay mga lalaki na edad 15 anyos.

Ayon kay Herbosa, ang masaklap ay hindi sila nabibigyan ng tamang gamutan o ng anti-retro viral treatment para sana maiwasang magtuloy ito sa sakit na AIDS.

Paliwanag ni Herbosa, takot ang mga tinamaan ng HIV na magsabi sa mga magulang.

Pero ayon kay Herbosa, bagamat tumataas ang kaso ng HIV, mababa pa rin naman ang bilang na ito sa bansang may 110 milyong populasyon.

Gayunpaman, sinabi ni Herbosa na kailangan pa ring tugunan kaya nakikipag ugnayan na aniya sila sa Department of Education para bigyan ng tamang edukasyon hinggil sa nasabing sakit ang mga kabataan.

AUTHOR PROFILE