Karylle

Karylle nahirapang magpaka-professional sa harap ng K-drama stars

April 4, 2025 Vinia Vivar 59 views

Inamin ni Karylle na napaiyak siya sa sobrang happiness matapos niyang interbyuhin ang sikat na South Korean stars na sina Lee Dong-wook, Lee Kwang-soo, Lee Da-hee at Lee Joo-bin.

Ang nasabing apat na South Korean stars ang bida sa upcoming K-drama na “The Divorce Insurance” na mapapanood sa Prime Video.

Ininterbyu sila ni Karylle para naman sa kanyang “K’s Drama” podcast.

Noon pa man ay aminado si K na big fan siya ng K-dramas gayundin ng Korean culture.

Matapos ang interview niya sa K-drama actors, ibinahagi ng singer/host ang kanyang naramdaman lalo pa nga’t first time niyang ma-meet ang mga ito.

Aniya, during the interview ay talagang pinilit niyang magpaka-professional at kinontrol niya ang pagiging fan girl. Pero napaiyak siya matapos ang panayam.

“I tried my best to keep it together and be totally professional but after the interview, I cried. It’s embarrassing to admit it, but okay, maybe I shed a tear,” aniya.

She added, “They (the tears) actually fell because it was an overwhelming sense of joy as a fan of K-Dramas,” paliwanag niya.

Inamin din niyang favorite niya si Lee Dong Wok dahil ito ang bida sa kauna-unahang K-drama na pinanood niya some 10 years ago. Since then ay naging K-drama fanatic na siya.

“It’s been a great journey ever since. I’m so grateful that the person who ushered me into this beautiful K-Drama world was right before my eyes answering my questions about K-Dramas and finding it somewhat interesting it would seem,” sey pa ng host ng “It’s Showtime.”

Sinabi rin ng singer na hindi niya makakalimutan ang experience na ito and in fact, paulit-ulit nga raw niyang nire-replay sa isip niya ang naganap.

Napakaganda nga raw ng kanyang birthday gift.

“What a feeling. I don’t think I’ll ever be able to erase that from my mind because I did try to replay it in my mind many times after the moment happened. And the fact that it happens around my birthday, it felt like a big, big gift so I’m so, so happy,” she said.

Ayon pa kay K, dati ay pinanonood lang niya sa kanyang TV ang mga naturang arista pero ngayon ay nagkaroon siya ng opportunity na makita at makausap ang mga ito in person.

“I do have a photo with the cast and I’m so thrilled that I got to see their chemistry in person. Because being in the same space allows me to get to know them on a whole other level.

“And you know that if you’re a fan, you’re watching from your bedroom or from your living room and now, when you see them in person, it’s like you’ve entered the world. So I can’t wait to see that chemistry translate on screen,” masayang wika ni Karylle.

Ipinost din niya sa Instagram ang larawan niya kasama ang naturang South Korean stars at nakakatuwa dahil nasa gitna siya ng apat at naka-point ang kamay ng mga ito sa kanya na parang isa siya sa mga bida ng K-drama.

“That’s me trying to act like cool, like trying to be cool about things but I can’t believe that they were all like pointing to me,” paglalarawan ni Karylle sa kanilang litrato.

“The joy is just immense,” sambit pa niya.

FUN RUN

Patuloy na nagiging inspirasyon sa marami si Alden Richards hindi lamang sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula kundi pati na rin sa kanyang commitment sa healthy lifestyle.

Sa kanyang fitness journey, ibinahagi ni Alden ang benefits ng pagiging active sa pag-aalaga ng kalusugan.

“Gusto ko mas ma-inspire sila na alagaan ang sarili nila and at the same time, ma-realize nila kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang mga ganitong activity, kahit simpleng jogging pa ‘yan. Marami kang nami-meet na mga bagong kaibigan, nakaka-bonding mo rin ang loved ones mo, and together mas nagiging healthy kayo. For me ‘yun naman lagi ang goal ko — to have a happier, meaningful, and peaceful life with them,” sabi ni Alden.

Sa darating na May 11, magho-host si Alden ng isang fun run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa Mowelfund o Movie Workers Welfare Foundation.

Hinihikayat niya ang lahat na makiisa sa event na ito, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para na rin makatulong sa mga nangangailangan.

Simulan ang healthy lifestyle at sumali na rin sa “Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino.”

AUTHOR PROFILE