Default Thumbnail

Kampanya ng BOC, kontra ismagling, tuloy-tuloy

January 14, 2024 Vic Reyes 137 views

Vic ReyesTULOY-TULOY ang kampanya ng gobyerno, sa pamamagitan ng Bureau of Customs (BOC) at iba pang concerned offices and agencies, laban sa ismagling.

Ang BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay siyang pangunahing opisina ng gobyerno na lumalaban sa ismagling.

Matatandaan na ang isa sa unang marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC ay ang pagsugpo sa illegal entry ng goods sa Pilipinas.

Lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot, kagaya ng shabu, cocaine at marijuana. Dagdag pa sa utos ni Pangulong Marcos ang pagsawata sa pagpasok ng smuggled na bigas at iba pang produktong agrikultura.

Kagaya ng inaasahan, all-out support ang pamunuan ng BOC, sa pangunguna ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, sa anti-smuggling drive.

Ang resulta ay ang pagkakasakote ng mga kontrabandong nagkakahalaga ng mahigit P42.3 bilyon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Commissioner Rubio na ang mga kontrabando ay nakumpiska ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa buong bansa.

Ayon kay Commissioner Rubio, nagsagawa ang kanyang mga field personnel ng 980 anti-smuggling operations noong 2023.

Ang mga nakumpiskang kontrabando ay kinabibilangan ng mga pekeng goods, illegal drugs, sigarilyo, agricultural products at general merchandise.

Sa ilalim ng fuel marking program, mahigit na 71 bilyong liters of fuel ang minarkahan ng mga personnel ng BOC.

Dahil dito ay P234.18 bilyong duties and taxes ang pumasok sa BOC coffers noong nakaraang taon, ayon sa ahensya,.

Ang fuel marking program ay naglalayong matigil ang fuel smuggling sa bansa.

Ang mga walang markang gasolina, krudo, gas at iba pang produktong petrolyo ay kinukumpiska ng gobyerno dahil hindi ito ipinagbayad ng buwis.

At sa tingin ng marami, nakatulong ang fuel marking programa para mabisto ang mga puslit na produktong petrolyo.

Mabuhay ang mga taga-BOC!

***

Marami ang nagulat sa pagkakatalaga kay Rep. Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Isang kilalang ekonomista mula sa vote-rich province ng Batangas, si Recto ay isang dating senador.

Pagkatapos manumpa bilang D0F secretary, sinabi ni Recto na hangad niyang makakolekta ng mahigit P4 trilyung revenues sa taong ito.

Sinabi ni Recto na pag-iigihan niya ang pangongolekta ng buwis para mapondohan ang iba’t ibang programa at proyekto ng administrasyon.

Ang gusto niya ay makakolekta ng P3 trilyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at P1 trilyon naman ang Bureau of Customs (BOC).

Ang BIR at ang BOC, na parehong nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay ang dalawang pinaka-malaking revenue-generating agencies ng gobyerno.

Nauna nito, sinabi ng mga taga-BOC na gagawin nila ang lahat para maabot ng ahensya ang kanilang 2024 revenue collection target.

Sa tingin ng marami ay kayang -kayang lampasan ng BOC ang kanilang napakalaking assigned tax take sa taong ito.

Nagbubunga na kasi ang mga repormang “introduced by the Marcos administration” para gumanda ang tax collection performance ng BOC.”

Tama ba, BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Ilocos Norte?

***

Bad news na naman ito sa mga motorista.

Ngayong linggo ay muling tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo.

Ang muling pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, lalo na ang diesel, ay epekto ng paggalaw ng presyuhan ng oil prices sa merkado,

Sa bansa, tuwing Martes ipinapatupad ang price adjustment sa mga produktong petrolyo.

Kung bababa ang presyo sa pandaigdigang merkado ay ibinababa din ng gobyerno ang presyo ng imported petroleum products.

Kaya hindi na nagugulat ang publiko sa taas-baba ng presyo ng produktong petrolyo.

(Para sa inying komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected].Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE