Tulfo Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo Source: Erwin Tulfo FB

Kamara makikialam na sa RFID problem sa mga tollways— Tulfo

March 31, 2024 People's Tonight 114 views

HINDI nagustuhan ng House leadership ang buhul-buhol na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Miyerkules Santo bunsod ng problema sa mabagal o hindi mabasang mga RFIDs o radio frequency identifications sa mga sasakyan.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, pupulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX pati na rin ng SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB) upang alamin kung may ginagawa na silang aksiyon hinggil sa reklamong ito ng mga motorista.

Ayon kay Cong. Tulfo, “Matagal na ang mga reklamong ito pero nitong Semana Santa nakita natin na sablay itong RFID dahil hindi mabasa sa toll gates ng NLEX ang RFID stickers ng maraming sasakyan.”

“Gustong malaman ni Speaker kung may gagawin ba na hakbang ang mga toll companies tulad nang pagpapalit ng mga RFID readers o gagawan na lang ng remedyo na naman?,” ani Tulfo.

Sa halip daw na maging maginhawa at mabilis ang pagdaan sa mga toll booth, perwisyo ang inaabot ng mga motorista.

Matatandaan na milya-milya ang haba ng traffic at ilang oras naantala sa NLEX tollgate ang mga sasakyan papunta sa norte ng araw na yun.

“Sa Japan, Singapore, at Europe, automatic na tataas agad yung boom barrier pagdaan ng sasakyan sa toll gate,” aniya.

Babala ni Tulfo, “If hindi nila masolusyunan ito, siguro we can start reviewing their franchises, with the approval of the speaker of course, at hanap tayo ng iba na kayang resolbahin ang problemang ito.”

AUTHOR PROFILE