BBM

Kalye Survey: BBM-Sara Uniteam nangungunang tambalan

November 27, 2021 People's Tonight 103 views
Sara
Former Senator and Presidential Candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr and Vice Presidential Candidate and Davao City Mayor Sara Duterte delivers a unifying messages during the 2021 League of Municipalities of the Philippines (LMP) Regional Assembly at Parklane Hotel in Cebu City. photo by Ver Noveno

ANG BBM-Sara Uniteam ang pinakamalakas na tambalan sa Metro Manila para sa pagka-presidente at pagka-bise presidente sa Mayo 2022, batay sa resulta ng serye ng mga Kalye Survey na ginawa sa iba’t ibang lungsod sa National Capital Region.

Isinama na ng Bikolanong vlogger na si Rey Nelbz ang bise presidente para sa mga pinagpilian sa isinagawa nitong survey mula Nobyembre 18 hanggang Nobyemre 24.

Nakakuha ng kabuuang 290 na boto si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga bagong serye ng Kalye Survey ni Rey Nelbz.

Matatandaang si Marcos ang laging nangunguna sa mga Kalye Survey na nauna nang isinagawa ni Rey Nelbz.

Sa pinakahuling survey, pumangalawa si Leni Robredo na nakakuha ng 31 na boto; pangatlo si Isko Moreno na may 30 na boto; sina Manny Pacquiao at Panfilo Lacson, na may 12 botong bawat isa, ay parehong nasa pang-apat; habang si Bong Go na may 10 boto ay ikalima.

“Kahit anong paninira kay BBM…, BBM FOREVER KAMI! SOLID NORTH- Bongbong for Pres!,” ayon sa komento ng isa sa mga taga-subaybay ni Rey Nelbz.

Para sa bise presidente, naungusan naman ni Davao City Mayor Sara Duterte na running mate ni Marcos, ang ibang vice presidential bets sa kanyang nakuhang 193 na mga boto. Ito ay sa kabila na nahuli siyang nagsumite ng certificate of candidacy para sa pagka-bise presidente.

Si Tito Sotto, ay nakakuha ng 105 na boto, si Atienza na may 58 boto ay pangatlo; habang si Doc. Willie Ong na may 26 na boto ay pang-apat. Samantalang si Kiko Pangilinan naman na may 16 na boto ay ikalima.

“BBM/SARA2022! May malinaw, maganda at kapani-paniwalang plataporma para iahon mula sa kahirapan ang mga Pilipino at paunlarin ang Pilipinas. Sapat ang kakayahan at kwalipikasyon upang pamunuan ng maayos at mahusay ang Bansa. Hindi kailangang manira. Plataporma at kwalipikasyon lang, tama at sapat na,” ayon sa isang subscriber ni Rey Nelbz.

Pinuri rin ng mga netizens si Rey Nelbz, dahil sa pagtitiyaga nitong magsagawa ng mga Kalye Survey na nagiging daan para marinig ang tunay na saloobin ng mga ordinaryong mamamayan.

“God bless noy Diyos MABALOS hero ka ikaw ang tulay para makita kung cno ang gusto ng taong masa we love u bro God bless u more ingatan ka lagi ng Diyos AMA amen,” komento naman ng isa pang taga-subaybay nito.

Sinadya pa ni Rey Nelbz na magbyahe mula Bicol papuntang Maynila para lamang isagawa ang mga Kalye Survey sa Pasig, Antipolo, Mandaluyong, Quezon City, at Makati City.

AUTHOR PROFILE