Jose

JOSE AT WALLY, MAY PASABOG SA CANADA

February 23, 2024 Jun Nardo 141 views

MAGSASABOG ng katatawanan sa ilang lugar sa Canada ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Mahal na Araw.

Tampok sina Jose at Wally sa Jose & Wally Show Canada Tour 2024 mula sa Eyeball Productions-Canada.

Sa March 27 ang kick off ng tour sa South Hall Banquet Palace, Vancouver. Kasunod nito ang Eajveer Banquet Hall sa Calgary sa March 30.

Sa March 31 naman, sa TCU Place sa Saskatoon sila magsasabog ng kasiyahan. Makakasama ng tandem ang Pedro & The Hollowblocks.

Bago lumipad, nag-taping na sina Jose at Wally ng season 2 ng Wow Mali Doble Tama na mapapanood ngayong Sabado, February 24.

Sa Canada show nina Jose at Wally, special acknowledgment sa writer na si Rommel Gonzales, Loren Sopan, Vi at Les Bonaventure ng Barrio Fiesta, line producers Rhodora Soriano, Liza Marcos and their manager, Joel Roslin.

AUTHOR PROFILE