Jennylyn

Jennylyn, bet makatrabaho sina Marian, Sarah, Alden at Piolo

March 3, 2024 Vinia Vivar 133 views

Sa loob ng 20 years na pananatili ni Jennylyn Mercado sa showbiz industry, marami pa umano siyang hindi nakakatrabaho na gusto niyang makatrabaho.

Isa na rito si Marian Rivera.

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Marian. (Kung siya) hindi naman drama, siguro pwede comedy para iba,” pahayag ni Jen sa isang panayam.

Hindi pa rin niya nakakatrabaho sina Alden Richards at Piolo Pascual. She also mentioned na gusto niyang maka-collaborate si Sarah Geromimo sa isang kanta.

“Si Alden, (at) si Piolo. Marami pa akong gustong makatrabaho. Si Sarah G., sa song, Oo!” sey pa ni Jen.

Dati ay nagkaroon na ng plano na pagsamahin sina Jen at Alden sa isang serye sa GMA-7 pero unfortunately, hindi ito natuloy.

With Piolo naman, dahil magkaiba sila ng network, binalak silang pagsamahin sa isang pelikula pero hindi pa rin natutuloy.

Binanggit din ni Jen sa naturang panayam na gusto niyang makasama ulit sa isang proyekto ang mister na si Dennis Trillo na nakatrabaho niya noong 2015 sa My Faithful Husband.

Anyway, kasado na ang pagbabalik ni Jen sa kanyang first love which is singing. In fact, nakatakda siyang maglabas ng bagong album bilang parte ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.

Kasalukuyang napapanood ang Kapuso Ultimate Star sa seryeng Love. Die. Repeat. with Xian Lim sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE