Janella

Janella at Markus muling nagkasama sa binyag ng anak

October 24, 2022 Aster Amoyo 375 views

Janella1FORMER partners Janella Salvador and Markus Paterson became parents to Jude Trevor Salvador Paterson (2) when they were both 22 years old.

Nagkahiwalay man ang dating magkasintahan, they remain good friends and co-parenting their son na si Jude who turned two last October 20 pero itinaon nila ang second birthday celebration ng bata two days later, October 22 sa binyag nito.

Maraming malalapit kina Janella at Markus ang natuwa nang muling makita na magkasama ang dalawa sa espesyal na okasyon ng kanilang anak.

Kahit single parents sina Janella at Markus, gustong ipakita ng dalawa sa kanilang anak na wala umanong nabago pagdating sa kanilang pagmamahal sa kanya although nasa pangangalaga ng actress ang kanilang anak.

Si Jude ang dahilan kung bakit nagsisikap ang dalawa sa kanilang trabaho para mabigyan nila ito ng magandang kinabukasan.

Pareho ngayong busy sa kanilang respective careers sina Janella at Markus.

Si Janella ay hinahangaan dahil sa kanyang portrayal as Regina at Valentina sa hit primetime series na “Mars Ravelo’s Darna” kung saan si Jane de Leon ang pangunahing bituin habang si Markus ay malapit nang mapanood sa bagong serye ng ABS-CBN, ang “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo at unang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Jake

Jake single and busy

ISA si Jake Cuenca sa busiest actor sa kasalukuyan.

Matapos mapanood sa hit primetime series na “Viral Scandal,” kasalukuyang tumatakbo on streaming ang “K-Love” series on Viu kung saan niya mga kabituin sina Iza Calzado, Sue Ramirez at Gabby Padilla. Kasalukuyan niyang ginagawa ang bago niyang serye sa Kapamilya network, ang “Iron Heart” kung saan niya mga kabituin sina Maja Salvador, Richard Gutierrez at Sue Ramirez at meron siyang pelikula na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival, ang “My Father, Myself,” isang drama movie na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan and produced ng 3:16 Media Productions.

Ang istorya ay mula kay Direk Joel habang ang script ay sinulat ng actress-writer na si Quinn Carillo. Ang mother ni Quinn na si Len Carillo ay isa sa producers ng naturang pelikula.

Single ngayon si Jake matapos nilang maghiwalay ng girlfriend of three years, ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa..

Ang upcoming MMFF movie ni Jake ay magsisilbing advance birthday gift sa actor who will turn 35 on December 30.

Angelica

Angelica may message para sa anak

PAREHONG hands-on parents ang engaged couple at first time parents na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang more than one-month old first baby na si Amila Sabine or Baby Bean.

They take turns sa pag-aalaga kay Baby Bean at aminado ang dalawa na pareho silang napupuyat na kanila naman ini-enjoy.

May mensahe ang first time mom kay Baby Bean.

“Pangakong ibibigay ko sayo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

“Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sayo.

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka-matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sayo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.

“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sakin.

“Maraming salamat at ginawa mo akong isang ina, anak,” pagbabahagi ng actress sa kanyang Instagram page.

Christian

Christian at Keempee straight guys na mahusay sa gay roles

STRAIGHT guys sa tunay na buhay sina Christian Bables at Keempee de Leon pero effective sila sa pagganap sa mga gay roles or transgender woman sa pelikula.

Sa pelikulang “Mahal Kita Beksman” na dinirek ni Perci Intalan under The IdeaFirst Company and Viva Films, transgender woman ang gagampanan ni Keempee bilang ama ng character ni Christian na kilos gay pero magkakagusto sa isang babae.

Wala pa man noon sa showbiz si Christian ay gumaganap na si Keempee sa mga gay roles na kanyang minana sa amang si Joey de Leon.

Nagsimula namang gumanap na transgender woman si Christian nang kanyang gawin ang hit comedy film na “Die Beautiful” in 2016 na nakapagbigay sa kanya ng maraming award bilang Best Supporting Actor sa iba’t ibang award-giving bodies.

Ayon kay Christian, makailang beses na umanong na-question ang kanyang pagkatao dahil sa mga gay roles na kanyang ginagampanan pero mas alam niya ang totoo at ang kanyang sarili na hindi na niya kailangang magpaliwanag pa.

Bukod sa gay roles, naipapakita naman ni Christian ang kanyang husay bilang actor sa pagganap sa iba’t ibang papel na ang isa sa mga pelikulang nagawa niya ay ang “Signal Rock” na dinirek ng premyadong veteran director na si Chito Rono.

Naniniwala pareho sina Christian at Keempee na hindi umano kabawasan sa kanilang pagkalalake ang pagganap sa mga gay roles.

Kung idolo ni Keempee ang amang si Joey, aminado naman si Christian that he looks up to the late comedy king na si Dolphy as his idol na napakahusay gumanap sa gay or transgender sa marami niyang pelikula.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE