Alden

Alden, best dressed sa Kapuso Halloween party

October 24, 2022 Jun Nardo 490 views

Andrea

KABUGAN at pabonggahan sa look at suot na costume ang Sparkle artists ng GMA Center na rumampa sa kauna-unahang Halloween event na Sparkle Spell last Sunday.

Ni-recreate nila ang look ng mga pamosong movie character na kinatakutan at hinangaan ng publiko.

Best and scariest costume ang award ni Miguel Tanfelix na ala-Edward Scissorhands ni Johnny Depp. Black Swan naman ang kapareha niya sa What We Could Be na Ysabel Ortega.

Best dressed uli si Alden Richards na suot ang damit ng favorite character niya sa isang thriller movie.

Hindi naman nagpatalo ang lovers na sina Gabbi Garcia at Khlail Ramos, Ken Chan, Xian Lim, Yasser Marta at iba pa.

Anyway, ngayong week ang finale ng What We Could Be.

Ngiting tagumpay ang Sparkle GMA Artist Center sa kauna-unahan nitong Halloween costume party.

AUTHOR PROFILE