Jake na-shock sa pagpanaw ni Tito Manoling

July 31, 2021 Aster Amoyo 64 views

SA loob lamang ng anim na araw mula July 25 hanggang July 30 ay apat na mga kilalang personalidad sa industriya ang pumanaw na sinimulan ng dating actor na si Mel Francisco (Adolfo Padilla Scheerer, Jr.) nung July 25 na sinundan ng stand-up comedian na si Ate Shawie (Marvin Martinez) nung July 26 at ang veteran actor-painter and art collector na si Orestes Ojeda nung July 27. Sumunod naman si dating MTRCB chairman at PCSO board member, former TV host and newspaper columnist na si Manuel `Manoling’ Morato nung nakaraang Biyernes, July 30.

Si Manoling ay sumakabilang buhay sa edad na 87 dahil sa Covid-19 coronavirus, apat na araw matapos siyang isugod sa pagamutan.

It was in 1986 sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino nang maging chairman si Manoling ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na tumagal until 1992. Siya ang pumalit sa dating MTRCB chair na si Maria Kalaw Katigbak. Pagbaba niya sa puwesto ay pinalitan naman siya ni Henrietta Silos Mendez.

Naging controversial si Manoling noong siya pa ang nakaupo bilang MTRCB chair. It was during his time na nawala ang mga pene movies. Dati rin siyang host ng kanyang sariling talk show with veteran actress na si Maggie de la Riva, ang “Dial M” sa government owned TV station, ang PTV4. Naging number one critic din siya ng dating actor at Presidente na si Joseph `Erap’ Estrada na tumalo sa kanya in the 1998 Presidential elections. It was on the same year na ginawang pelikula ang kanyang buhay na ginampanan ng veteran actor na si Joel Torre.

Tatlong beses sumubok si Manoling sa larangan ng pulitika. Una siyang kumandidato sa pagka-senador in 1992. Tumakbo siya sa pagka-presidente ng Pilipinas in 1998 at tumakbo rin siyang muli sa pagka-senador in 2001 pero hindi siya pinalad.

Si Manoling ay anak ng dating mayor ng Calauag, Quezon (kung saan siya isinilang) at kauna-unahang mayor ng Quezon City na si Tomas Morato (kung kanino nakapangalan ang isang kalye ng nasabing siyudad). Ang ama ni Manoling ay isang Spanish-Filipino na isinilang sa Xabia, Spain.

Apo sa pamangkin ni Manoling ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca na isa sa labis na nabigla sa pagpanaw ng kanyang grandfather.

TVJ muling nabuo sa 42nd anniversary ng ‘Eat Bulaga’

MULING nabuo ang original hosts ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” last Friday na sina Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa 42nd anniversary ng program na nagsimula nung July 30, 1979.

Dahil sa pandemya, work from home na lamang sina Vic at Joey but this time, bumalik sila sa studio ng “Eat Bulaga” para sa anniversary celebration nito.

Back then, it was businessman and former politician Romy Jalosjos’ idea na mag-produce ng isang noontime show for RPN-9 at si Tony Tuviera ng TAPE, Inc. ang nag-suggest na perfect hosts umano ang Tito, Vic & Joey na bahagi pa noon ng “Discorama,” isang weekly primetime musical variety show on GMA maging sa noontime program sa GMA na “Student Canteen” produced and hosted by the late Eddie Ilarde and Bobby Ledesma under Program Philippines. Inc. Atlhough tinanggap nina Tito, Vic & Joey ang alok ni G. Tuviera, hindi muna sila tumanggap ng talent fee sa loob ng anim na buwan lalupa’t hindi pa noon sigurado kung tatagal ang programa. Hirap ang “Eat Bulaga” sa unang isang taon at kamuntik pa itong makansela dahil ang ‘Student Canteen” noon ang namamayapag sa ere. Pero the following year, 1980, pumalo nang husto ang “Eat Bulaga” dahil sa kanilang “Macho” segment hanggang sa ito’y magtuluy-tuloy na sa pagsikad.

Dumaan din na maraming problema at pagsubok ang “Eat Bulaga” nang ma-sequester ang RPN-9. In 1989, “Eat Bulaga” moved to ABS-CBN at ito’y naging joint production with the Kapamilya network. But in 1995, lumipat naman ang programa sa GMA dahil magkakaroon na ng sariling noontime show ang ABS-CBN. Magmula noon ay naging tahanan na ng “Eat Bulaga” ang GMA hanggang ngayon.

Ang host-actress na si Coney Reyes (na dati ring co-host ng “Student Canteen” joined “Eat Bulaga” in 1982. Naging bahagi rin ng programa ang dating Little Miss Philippines winner na si Aiza Seguerra at siya ang naging youngest member ng programa. Taong 1991 naman nang madagdag sa “Eat Bulaga” family sina Ruby Rodriguez at Rio Diaz and in 1995 ay naging isa rin sa mga co-host si Toni Rose Gayda at ang yumaong si Francis Magalona. Three years later ay napasama ang actor na si Anjo Yllana.

Through the years, maraming ibang celebrities ang naging bahagi ng “Eat Bulaga” tulad nina Chiqui Hollman, Richie D’Horsie, Jimmy Santos, Aileen Damiles, Daiana Meness, Ces Quesada, Angela Luz, Luane Dy, Ryzza Mae Dizon, Baste Granton, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Pia Guanio, Alden Richards, Maine Mendoza at marami pang iba.

Magmula nang magka-pandemic noong March 2020 ay nabawasan na rin ang hosts ng programa.

Alhtough bihirang-bihira na lamang napapanood sa programa si Tito Sen dahil sa kanyang position ngayon bilang Senate president, nagpapakita pa rin ito sa “Eat Bulaga” sa mga espesyal na okasyon ng programa na ang pinaka-latest ay itong 42nd anniversary.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE