Juliacoco

Coco, ’di nakatulog sa balik-tambalan nila ni Julia

July 31, 2021 Vinia Vivar 534 views

Tiyak naming halos mamatay-matay sa saya at kilig ang CocoJuls fans sa panayam kina Coco Martin ang Julia Montes nang magkasama na umere sa TV Patrol.

After so many years kasi, ngayon lang ulit nagkasama ang dalawa in one interview na for sure ay matagal nang inaabangan ng kanilang loyal supporters.

Siyempre, paunang pakilig pa lang ito dahil nga malapit na silang mapanood gabi-gabi na magkasama sa FPJ’s Ang Probinsyano na hudyat ng pagbabalik ng kanilang tambalan after six years.

Ayon kay Coco ay sobrang excited siya sa pagsasama nilang muli ni Julia sa telebisyon.

“Ako ‘yung kagabi, hindi nakatulog. Kahapon, nagbe-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado. Kasi, makakasama ko siya (Julia), eh. Alam mo ‘yun, parang hindi ako pwedeng magkamali this time. Parang ganu’n ‘yung ano ko. Parang dito pa ba ako sasablay?” sey ni Coco.

Julia is just as happy at sey nga niya, parang hindi kumpleto ang career ng isang artista kapag hindi nakapag-guest sa FPJAP.

“Sa nakita ko rin kay Coco, parang dito siya, ‘yung pinaka-lumabas ‘yung creative side niya. So, to be part of this project, sobrang… parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa isang trabaho mo as an actor, kapag hindi ka napasok sa Probinsyano,” sey ng aktres.

Sa ngayon ay sinimulan na raw nila ang preparasyon ni Julia sa taping at si Coco mismo ang nagte-train sa kanya.

“’Yung preparation sa mga baril, ‘yung ganun, trinain ko siya sa baril, sa pagmomotor, tapos ‘yung sa fight, lahat, ganu’n. Kumbaga, ‘yung suporta ba, kailangan lahat ibigay,” ani Coco.

AUTHOR PROFILE