Echo

Isyu kay Echo, sinagot ni Kathryn

February 3, 2024 Vinia Vivar 170 views

Nagsalita na si Kathryn Bernardo hinggil sa nag-viral na video at pictures nila ni Jericho Rosales habang magkasamang nagdya-jogging.

Paliwanag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN, close friend niya ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo at ito ang nagyaya sa kanya na mag-jogging.

“Si John Manalo, good, good friend of mine, ano pa, Goin’ Bulilit days. So, nagkita kami nu’n kasi magwo-workout talaga ‘ko that day, tapos na-mention niya, magdya-jogging.

“Sabi niya, ‘gusto mo sumama?’ Then I said, ‘Okay why not? Kesa mag-work out ako mag-isa. So, nag-jogging kami,” kwento ng aktres.

Tsika pa niya, medyo late na nga ng gabi ‘yun pero nag-enjoy naman siya.

“It was parang mga 11, late na, we were just having fun, working out. ‘Yun lang,” sey ni Kath.

Nauna rito ay matatandaang nagpahayag si Echo ng interes na makatrabaho si Kathryn kaya natanong din ang aktres tungkol dito.

“He’s such a nice guy, sobrang bait niya. So, ayaw mo bang makatrabaho ‘yung ganu’n? So, let’s just see,” ani Kathryn.

Samantala, last Friday ay pumirma na nga ng panibagong kontrata ang aktres sa Kapamilya network.

AUTHOR PROFILE