Isko Nagbibigay ng direktiba si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay MPD Director General Leo “Paco” Francisco kaugnay sa muling pagpapatupad ng curfew at mahigpit na pagbabantay sa nalalapit na kapyestahan ng Itim na Nazareno at Sto Nino de Tondo. Kasama niya sina Vice Mayor Honey Lacuna Pangan at 3rd District Cong.Yul Servo. Kuha ni JONJON REYES

Isko kay Gen. Paco: Curfew higpitan, Quiapo fiesta bantayan

January 3, 2022 Jonjon Reyes 704 views

INATASAN ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso si MPD Director Police Brig.General Leo “Paco” Francisco na higpitan ang implementasyon ng curfew sa bawat barangay sa Maynila at siguruhin ang peace at security measures sa nalalapit na kapyestahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Ayon Moreno, wala munang magaganap na prosisyon sa nanalapit na kapyestahan ng Itim na Nazareno sa Jan. 9, 2022. Aniya, kahit na walang prosisyon, mananatili ang mga kapulisan sa pagbabantay sa paligid ng Simbahan ng Quiapo kabilang ang kahabaan ng Hidalgo, Villalobos, Quezon Blvd., Carriedo,Palanca at Globo de Oro.

Ipapakalat ni Gen. Paco ang kanyang mga kapulisan kabilang ang mga SWAT,TMRU, DPSB,Mobile,at ang mga Intelligence sa mga nasabing lugar sa paligid ng Quiapo Church.

“Gagawin namin ang aming mga trabaho bilang alagad ng batas. Lagi po tayong sumunod sa health protocols,” ani Gen. Paco.

AUTHOR PROFILE