
Imus naglunsad ng Oplan Kaluluwa ’23
IMUS CITY, Cavite — Naglunsad ang pamahalaang lungsod ng Imus, sa pamumuno ni Mayor Alex ‘AA’ Advincula, ng “kAAlalay sa Undas 2023”
para sa ligtas at maayos na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay Advincula, magtatayo ng mga command posts sa mga sementeryo sa Tahimik St. at Angelus Eternal Garden, sa memorial park sa Bayan Luma at memorial parks sa Barangay Bucandala.
Nagtayo din ng mga libreng serbisyo tulad ng lost and found, wheelchair assistance, charging station, first aid station at libreng mga gamot mula sa City Disaster and Risk Reduction and Management Office.
Pinaalalahanan ang mga dadalaw sa mga puntod na ipinagbabawal ang kahit anong uri ng sasakyan na pumasok sa public cemetery at pumarada sa kalsada.
Bawal din ang mga bagay na maaaring maging sanhi ng sunog, kutsilyo, cutter, videoke, baraha at lahat ng sugal
Bukas ang mga sementeryo, memorial parks at columbariums sa mga sumusunod na araw at oras: October 31 – 5:00 a.m. – 8:00 p.m.; November 1 – bukas 24 hours at November 2 – bukas hanggang 10:00 p.m.
“Hinihingi ko po ang kooperasyon ng bawat isang Imuseño. Hangad ko po ang isang mataimtim, ligtas at makahulugang paggunita ng undas ngayong taon,” sabi ni Mayor Advincula.