Suspek

Drug suspek timbog sa Calatagan

October 28, 2023 Jojo C. Magsombol 202 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Timbog sa mga pulis noong Miyerkules ang isang drug suspek sa Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas.

Kinilala ang akusado na si alyas Itim, 33, ng Bgy. Lucsuhin, ayon kay Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson Belmonte.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-2:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga miyembro ng Calatagan police, kasama ng Regional Intelligence Unit (RIU) 4A at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas sa kasong Violation of Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang suspek sa Calatagan police jail.

AUTHOR PROFILE