Default Thumbnail

Huwarang kabataan si Kyle ‘Kylo’ Alessandro Sergio ng Bgy. Ugong, Pasig City.

October 28, 2023 Marlon Purification 905 views

Marlon PurificationNGAYONG darating na Lunes na ang inaabangang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Sa araw na ito magdedesisyon ang magkakapitbahay at magkakalugar kung sino ang dapat mamuno są kanilang pamayanan.

Kahit papano ay makikita ang tunay na diwa ng demokrasya sa pamamagitan ng halalan — mapa-nasyunal man, lokal o o kahit pang-barangay lamang.

Ang eleksiyon sa ilalim ng demokrasya ay tanda ng kapangyarihan ng mamamayan na mamili ng mamumuno sa isang lugar, barangay, bayan o lungsod at bansa.

Barangay ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. Kumpara sa pamahalaaang nasyunal at lokal, ito ang namumukod tanging ‘unit’ ng pamahalaan na ang bawat nakaatang na kapangyarihan sa isang barangay officials ay maaaaring pagsabayin ang trabahong pang ehekutibo at legislatibo — on barangay level.

Lahat ng klase ng halalan ay masaya, masalimuot, nakakapagod, magastos at nakakatakot.

Sa isang banda, may ambag din ito sa ating ekonomya dahil naging mabili uli sa merkado ang pagpapagawa ng tarpaulin, campaign t-shirts, sound system, panyo, pamaypay at iba’t iba pang ‘collaterals’ na gamit sa halalan.

Ang nakalulungkot nga lang minsan ấy may mangilan-ngilang lugar na ginagawang ‘madugo’ ang isang halalang pambarangay na hindi naman dapat.

Sa barangay elections din nagkakagalit ang magkakapitbahay o iyong iba ay magkakamag-anak pa mismo dahil sa kani-kanilang manok sa halalan. Na sana lang, kinabukas matapos ang darating na Lunes ay magkabati-bati ang lahat ng nagkagalit dahil sa halalan.

Ngunit iyan talaga ang diwa ng eleksiyon at iyan ang simbolo ng buhay na demokrasya.

Umaasa tayong iyong mga boboto sa Lunes ay maging mapanuri, matalino at higit sa lahat ay maging tapat sa bayan at sarili mismo.

Tama ang kasabihan na huwag pagkatiwalaan ang mga pulitikong namimili at nagbabayad ng boto dahil kapag naupo, sila mismo ang magnanakaw sa pondo ng bayan, kapalit ng perang ginastos sa nakalipas na kampanya.

Huwag na huwag nating iboboto ang mga kandidatong alam nating walang gagawing mabuti, kundi para lamang sa.kanilang sarili.

Magkagayunman, naniniwala akong mangilan-ngilan lamang ang mga tumatakbo ngayong ‘kawatan’ at mas marami pa rin ang tumatakbong sinsero sa kanilang layunin na magsilbi sa kani-kanilang barangay.

Diyan sa Barangay Ugong, Pasig City ay may isang huwarang kabataan na tumatakbo ngayon bilang SK chairman.

Ang tinutukoy natin ay si Kyle Alessandro Sergio na kahit bagong pasok lamang sa pulitika ay dati nang naglilingkod ất nagbibigay serbisyo sa kanilang barangay.

Nagtapos sa Francisco Legaspi Memorial School si Kylo, palayaw ni Kyle Alessandro. Tinapos ang sekondarya sa Rizal High School at nagkolehiyo sa Jose Rizal University at Arellano University.

Maraming napahanga si Kylo noong kasagsagan ng pananalanta ng pandemya.

Nang unang maghanap sa kanilang barangay ng ‘volunteers’ para sa pag-misting sa kanilang lugar ay hindi ito nagdalawang-isip upang ilako ang sarili.

Na-appreciate ng mga taga-Bgy. Ugong ang dedikasyon nito sa pinasukang ‘volunteer work,’ dahil kahit alam ni Kylo na delikadong harapin ang ‘misteryoso,’ ‘invisible’ at nakamamatay na ‘corona virus,’ ay hindi ito alintana sa binata at sa halip ay buong pusong ginawa ang mga iniatang na tungkulin sa kanya.

Dahil sa kagalingang ito ay naitayo ang Ugong Convert Fire & Rescue Voluntas Brigade Inc. kung saan ay si Kylo ang founding officer at siya rin ang officer-in-charge magpahanggang ngayon.

Saksi ang mga taga-Bgy. Ugong na sa murang edad ay marami nańg tao ang napaglingkuran nito nang walang anumang kapalit.

Maraming kapwa kabataan ang nahikayat ni Kylo na sumapi sa kanilang samahan. Patunay na ang kabataan ngayon ay talaga namang may pakinabang sa lipunan.

Maraming training at seminars ang nasalihan din ni Kylo.

Kabilang dito ang:

• Emergency First Responder Course
• CPR with AED Course
• Basic Firefighting Course
• Basic Lifeguard Course
• Basic Life Support Course
• Modified Firefighting Course
• Hydrogen Sulfide Course

At ngayong tumatakbo bilang SK chairman, pursigido siyang isulong ang panghihikayat sa kahalagahan ng edukasyon sa mga kapwa kabataan. May plataporma siya sa endikasyon na tinatawag nilang Balik Paaralan Drive para naman sa mga out of school youth na puwedeng isailalim sa programa ng Alternative Learning System (ALS). May SPED program para sa mga batang may ispesyal na pangangailangan at patas na ‘cash assistance.’

Dahil sa eksperyensa noong pandemya, pursigido si Kylo na pahalagahan ang programang pangkalusugan, ang Blood Letting Program at siyempre ang kampanya kontra ipinagbabawal na gamot.

Desidido siyang palakasin ang puwersa ng kapwa kabataan sa kanilang barangay para naman sa programang pangkalikasan, kalinisan at pampalakasan. Kasama rito ang Sustainable Tree Planting at Regular Clean-Up Drive na malaking tulong upang maibsan ang paulit-ulit na problema sa baha.

Bitbit ang ‘campaign slogan’ na ‘Ugong Sulong Kabataan,’ pinaninindigan ng partido nina Kylo ang pagkakaroon ng Youth Employment and Livelihood Program, Semi-Annual Job Fair at siyempre ang Fire Safety Awareness and Basic Water Search and Rescue programs.

Sa usaping pampalakasan, isusulong ni Kylo ang Ugong Summer Camp, Ugong Volleyball & Basketball League (2 Seasons), E-games at Summer League upang mailayo sa masasamang bisyo ang mga kabataan.

Labis tayong humahanga na sa taglay na edad 23-anyos ni Kylo ay marami na itong nagawa at marami pang plano para są kanilang barangay.

At alam ko rin namang sa tulong ng Poong Maykapal ay susuportahan siya ng kapwa kabataan sa kanilang barangay.

Goodluck sa iyo, Kylo, sampu ng iyong kasamahan sa Sanggunian at mga kapwa kabataan sa Bgy. Ugong, Pasig City.

God bless!