Default Thumbnail

Huwag munang mag-import ng sibuyas ngayong Nov., Dec.

October 26, 2023 Marlon Purification 268 views

Marlon PurificationPanawagan ng lokal na magsasaka:

MAY punto ang mga magsasaka sa kanilang panawagan sa pamahalaan na huwag munang mag-import ng mga sibuyas para sa papasok na buwan ng Nobyembre hanggang matapos ang Kapaskuhan.

Ngayon lamang kasi sila makababawi ng kita mula są matinding pagkalugi bunsod ng kalamidad at talamak na smuggling ng sibuyas na pilit na inaayos ng BBM administration ngayon.

Kaya nga para sa mga magsasaka, huwag na sana pang mag-ankgat ng maramihang sibuyas mula sa ibang bansa.

Karamihan sa mga lokal na magsasaka ay ipinangungutang pa nila ang ginagamit na binhi at pataba para lamang maging sagana ang kanilang ani.

Tiyak na malulugi sila ng husto kung bubuhos ang mga imported na sibuyas dahil higit na mura ang presyo nila kumpara sa tanim nating lokal.

Ayon sa kanila, ang bawat imported na sibuyas ay kaya lamang umubos ng 6.400 tonelada sa loob ng 15 araw.

Ngunit nagtataka sila kung bakit hindi maubus-ubos ang mga imported na sibuyas sa merkado.

Ibig sabihin, mayroong ‘over supply’ ng mga imported na sibuyas na dapat bantayan ng pamahalaan.

Dapat maging alerto ang pamahalaan dito dahil kapag tuluyang malugi ang mga lokal na magsasaka, wala na sa kanila pang gaganahang magtanim sa susunod na ‘season’ at mag-iisip na lamang ng ibang hanapbuhay na kikita sila nang hindi naaagrabyado, ayon sa kanilang pangangailangan.

Tayong mga Pinoy naman ay dapat tangkilikin ang sariling atin.

Dahil sa totoo lang, higit na mas masarap ang lokal na sibuyas kumpara sa mga imported onions.

Sabi ng isang chef na kausap ko: ”You need two imported onions to match the taste enhancing power of Pinoy sibuyas. Mas magastos to buy two imported onions vs isang Pinoy sibuyas. Mas masarap na mas matipid pa ang Pinoy sibuyas.’

At ang obserbasyong ito ay nasisiguro kong aayunan ng lahat ng mga kababayan nating kumakain at nagluluto.

Muli, ‘No to importation of imported na sibuyas ngayong November at December.’