Pabahay

Housing backlog

April 20, 2023 People's Tonight 358 views

MILYUN-milyong Filipino ang hanggang sa ngayon ay wala pang sariling bahay dahil sa “extreme poverty” at kataasan ng presyo ng construction materials sa bansa.

Kaya nga “it’s heartening to know” na binibigyang- prayoridad ni Pangulong Marcos ang pag-address sa housing backlog na umaabot na ng 6.5 milyung units.

Noon ngang Miyerkules, Abril 19, ay umarangkada na sa probinsiya ng Bulacan ang six-year ay highly-ambitious “flagship housing program” ng gobyerno nasyonal.

Mismong si Pangulong Marcos, kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno, ang nanguna sa groundbreaking rites para sa anim na housing projects sa nasabing probinsiya.

“A total of 12,563 housing units will be constructed during the initial phase of the six housing projects,” ayon sa report.

Ang programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ay naglalayong gumawa ng isang milyung bahay annually sa anim na taong panunungkulan ni Marcos.

Kagaya ni Pangulong Marcos, naniniwala tayo na kayang-kayang ni Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar na gumawa ng isang milyung dwelling units sa isang taon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, “Secrectary Jerry Acuzar could ensure proper implementation of the flagship housing program given his track record in the private sector.

Para magtagumpay ang programa, ang kailangan lang ni “housing czar” ng bansa ang all-out suport ng lahat ng stakeholders, kasama na ang local government units (LGUs).

Isantabi muna natin ang ating mga pagkakaiba at ‘di pagkakaunawaan kasi talagang mabigat ang “homelessness problem” sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE