Crime

Hinubaran, ginilitan!

August 24, 2023 Gil Aman 380 views

ISANG lalaki ang ginilitan ang leeg at iniwan sa dalampasigan ng Pakil, Lunes.

Ang bangkay na nakahubad ay nadiskubre sa Bgy. Banila, 4:50 a.m. nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat na ipinadala ng Pakil Police kay Laguna OIC Provincial Director PCol Harold Depositar, isang nangngangalang John Mark Alcantara ang nakadiskubre sa bangkay.

Nanatiling wala pang pagkakilanlan sa salarin na gumilit sa leeg ng biktima.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Pakil police.

AUTHOR PROFILE