Default Thumbnail

Hindi pwedeng magpabaya ang BOC

January 7, 2024 Vic Reyes 124 views

Vic ReyesHINDI kagaya ng ibang empleyado ng gobyerno, ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) ay palaging “on the go throughout the year.”

Hindi sila puwedeng maghinay-hinay o magpabaya sa kanilang trabaho kasi meron silang dapat “ma-achieve” bago matapos ang taon.

Kagaya ngayong 2024, na isang “leap year,” kailangang makalikom sila ng hindi bababa sa P1 triyong buwis at taripa.

Dapat maabot nila ang kanilang assigned tax take araw-araw para masiguro na maabot nila ang BOC collection target sa taong ito.

Hindi biro ang mangolekta ng P1 trilyong revenue dahil ang daming challenges ang hinaharap ng mundo, kasama na ang Pilipinas.

Nandiyan ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, Israel-Hamas hostilities at painit na sigalot sa South China Sea.

Hindi rin biro ang adverse effects ng tinatawag na El Nino phenomenon.

Sa kabila ng mga hamon na ito ay walang kaduda-dudang maaabot ng BOC ang kanyang 2024 revenue collection target.

Sa totoo lang, closely monitored ang daily operations ng iba’t ibang collection districts para malaman ang mga balakid sa mga programa ng ahensya.

Kaagad na nabibigyan ng solusyon ang mga problema hindi lang sa Metro Manila kund sa buong Pilipinas.

Tama ba, Finance Secretary Bernbjamin Diokno at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio?

***

Kumpara noong 2022, lumubo ang bilang ng fireworks-related injuries (FWRIs) sa bansa nitong nakaraang taon.

Sa huling rekord ng Department of Health (DOH), mahigit na 600 ang nasugatan dahil sa paputok, pailaw at ligaw na bala noong 2023.

Ito ay malayo sa mahigit lang na 300 na nasaktan noong 2022.

Marami ang nagsasabing ang pagdami ng FWRIs ay maging eye-opener sa mga otoridad para lalong maghigpit sa paggamit ng paputok at pailaw sa bansa.

Oo nga’t parte na ng kaugalian sa Pilipinas ang paggamit ng paputok sa panahon ng Kapaskuhan, lalo na sa tinatawag na “New Year Revelry.”

Pero perhuwisyo na ito dahil sa dami ng nasasaktan.

Kung hindi talaga maiiiwasan ang paggamit ng paputok, sana ‘yon lang maliliit na firecrackers ang payagang magamit kagaya noong unang panahon.

Sa totoo lang, ang nangyayari ay halos bomba na ang lakas ng ibang paputok na ginagawa sa bansa at nakakalusot naman ang mga ito.

Dapat lalo pang bigatan ng gobyerno ang parusa sa mga mahuhuling gumagawa ng illegal firecrackers at pyrotechnic devices.

***

Tapos na ang napakahabang holiday season sa Pilipinas.

Parating ang Mahal na Araw sa Marsi at pista sa mga probinsiya, syudad, munisipyo at barangay.

Dito talagang takot ang mga lokal na politiko dahil kaliwa’t-kanan na naman ang solicitation letters ang kanilang matatanggap.

Wala silang magagawa dahil sa isang taon (2025) ay eleksyon na naman.

Kailangan nilang magpakitang gilas sa mga botante.

Mapipilitan na naman silang maging “Robin Hood” sa mga susunod na buwan.

***

Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484 email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

AUTHOR PROFILE