Tangdol Iniharap ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, hepe ng MPD Malate PS 9 ang mga nakumpiskang pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa halos P1 milyon ang halaga matapos maaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na buy-bust ops sa Malate. Kuha ni Jon-jon Reyes

Halos P1M halaga ng ‘MJ’ nasabat sa drug busts sa Malate

October 21, 2022 Jonjon Reyes 363 views

HALOS aabot sa mahigit sa P1 milyon ang halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana (MJ) ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station (PS) 9 sa ikinasang 1-day anti-drug operations sa magkahiwalay na lugar sa panulukan ng Adriatico at P. Ocampo Streets at Madre Ignacia Street sa Malate, Huwebes

Isang diumaniong “Grab” driver n amula sa Pasay City ang naging target ng operasyon, at dalawang sinasabing “parokyano” nito na pawang mga residente sa Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander MPD Malate PS 9, bandang 9:25 ng umaga nang isinagawa ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation sa driver sa nasabing lugar.

Isinagawa ang pagbitag sa suspek sa P/Lt. Josephus Melpaz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at operatiba ni Tangdol na nag-atas sa isang pulis na maging “buyer”.

Agad naman naaresto ang suspek at ang dalawang parokyano nito matapos magkaabutan ng P500 marked money kapalit ng marijuana.

Narekober ang limang pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, stem at fruiting tops; dalawang medium, long blocks na nakabalot ng transparent plastic at nakalagay sa isang gray na bag.

Tumitimbang umano ng 2,024 gramo ang mga nakumpiskang marijuana katumbas ng 2.24 kilo at may street value na P242,800.

Bukod dito, kinumpiska din ang isang Yamaha Mio MXI 125 na kulay green, Yamaha Mio MXI 125, at isang kulay pulang Honda Jazz, bilang mga ebidensya at marked money.

Kinagabihan ng Huwbes, nang matimbog ang umano’y tulak ng droga na kinilala sa alyas na “Kuya” na residente ng Cubao Quezon City.

Ang suspek ay nabingwit sa buy-bust operation sa panulukan ng Madre Ignacia St. malapit sa San Andres St., Malate.

Ayon kay Melpaz, muli silang tumayong “poseur buyer” at dito na inilabas ng suspek ang isang sako ng pinatuyong dahon ng MJ na nasa loob ng brown Toyota Innova van ng suspek.

Dito na tumambad ang bloke-blokeng MJ na tumitimbang ng halos 6 na kilo at may halagang P720,000.

Ang mga nahuling akusado ay kakasuhan ng Section 11 Article ll ng RA 9165.

Ayon kay Tangdol ay patuloy nilang pupuksain ang ilegal na gawain at ipinagbabawal na droga sa direktiba na rin ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE