
GRADE 5 PUPIL SINAPIAN DAHIL SA LATO-LATO!
Tunog ng laruan ‘nagtatawag’ umano ng masamang espiritu
HANGGANG ngayon ay balot ng misteryo ang isang barangay sa Calaca City, Batangas matapos umanong masapian ang isang grade 5 pupil na nahihilig maglaro ng lato-lato.
Ang biktima ay isang grade 5 pupil ng Bisaya Elementary School.
Nabatid na sinapian ang bata sa mismong classroom ng eskuwelahan habang nasa kasagsagan sila ng pag-aaral nitong nakalipas na Huwebes.
Bigla umano itong nangisay, nanginig at nagbago ng boses.
Nasaksihan ito mismo ng kanyang mga kaklase, titrer at iba pang kamag-aral.
Karamihan sa mga kapwa estudyante na nakasaksi ng misteryo ay nag-iiyak sa labis na takot.
Dahil sa naturang pangyayari, ilang residente sa Barangay Bisaya ang nagsabing posibleng kagagawan ng larong lato-lato ang pagsanib ng isang espiritu sa bata.
Ayon sa isang ginang, ang tunog ng lato-lato umano ay parang nagtatawag ng masamang espiritu.
Hinihikayat umano ng lato-lato ang ingay na gawa nito.
“Kaya lumabas ang espíritu dahil akala nila tinatawag sila sa ingay ng lato-lato,” sabi naman ng isang magsasaka sa Barangay Bisaya.
Nabatid na ang biktima, tulad ng karaniwang bata ay nawiwiling maglaro ng lato-lato sa loob at làbas ng eskuwelahan.