Tansingco

GINUTOM, KINURYENTE, BINUGBOG NG TUBO!

April 5, 2023 Jun I. Legaspi 329 views

7 PH biktima ng human trafficking sa ibang bansa

KUNG walang quota, walang pagkain. Ito ang malagim na sinapit ng pitong Pilipinong biktima umano ng human trafficking sa Cambodia.

Bukod sa ginutom, ang mga mistulang tinratong mga hayop ay nilamog sa kuryente at mga palo mula sa tubo ng PVC.

Ibinahagi ng Bureau of Immigration (BI) ang dinanas ng mga biktima na nirecruit papunting Cambodia nugnit nakauwi mula sa Bangkok nitong Lunes

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ibinahagi ng mga biktima ang hirap na kanilang dinanas sa Mae Sot, Thailand bilang mga crypto currency scammers.

Isa-isang ikinewento ng mga biktima kung paano sila ginutom, kinuyerte, at pinapalo ng PVC pipes kapag hindi nila nakuha ang kanilang pang araw-araw na quota para sa pseudo-investment scheme.

Nitong April 1, tatlo sa pitong biktima ng nasabing sindikato ang napauwi mula Phnon Penh, Cambodia.

Sa imbestigasyon ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEC) isa sa mga pasahero na umalis ng bansa noong 2019 bilang overseas Filipino Workers patungo ng UAE at isang mag asawa o couple ang umalis nitong August 2022 para umano magbakasyon at maghoneymoon ng tatlong araw sa Thailand.

Lahat sila ay na recruit bilang mga customer service representative sa Cambodia at pinangakuan ng sweldong $1,200 hanggang $1,500.

Ayon sa babaeng OFW, bumiyahe siya mula Dubai hanggang Cambodia ng walang gastos. Subalit kinailangan niyang magtrabaho sa bogus online shopping platform. Ang target ng nasabing trabaho ay mga Filipino na ibinebenta sa cryptocurrency scammer. Pagkatapos ay ibinenta muli siya sa iba pang kumpanya para magrabaho bilang love scammer na walang sweldo.

Ikiniwento rin ni Tansingco ang karanasan ng mag-asawa na pinagtrabaho sa ‘unjust conditions’ bilang customer support personnel sa virtual shopping website na kumukuha ng mataas na bayad sa kanilang customers.

“Ayon sa mga biktima, niloloko ng kanilang mga employers ang kanilang mga kliyente gamit ang social messaging app kung saan hinihikayat ang mga ito na mag-invest subalit hindi naman makapag-withdraw ng kanilang investment matapos makapagbayad,” saad ng BI

Nakatakas ang mag asawa sa kanilang employers. aTnulungan sila ng Philippine Embassy sa Phnom Penh at nakakuha ng exit clearances.

Lahat ng biktima ay na-recruit sa pamamagitan ng social media.

“Isipin nyo inalis ang kanilang karapatang mabuhay ng maayos. Isipin nyo ibinenta sila tulad ng isang gamit. Itong modern-day slavery, talagang nakababahala at dapat na mahinto,” saad ni Tansingco.

Nagbabala si Tansingco sa publiko na gustong magtrabaho sa ibang bansa na makipagugnayan lamang sa mga lehitimong agency na binigyan ng lisensiya ng gobyerno.

“Government agencies are appointed to protect and promote the welfare of Filipinos here and abroad. We reiterate our call to please secure work legally through our accredited travel agencies,” saad ni Tansingco.

Lahat ng pinauwing mga biktima ay tinulungan ng mga opisyales ng gobyerno mula sa Overseas Workers Welfare Administration pagkadating nila ng bansa. Nina JUN I. LEGASPI & HECTOR LAWAS

AUTHOR PROFILE