Default Thumbnail

Ginang sakay ng e-bike dedo sa dambuhalang tren sa Paco

November 4, 2022 Jonjon Reyes 296 views

KINALADKAD ng rumaragasang tren ang isang ginang na lulan pa ng kanyang minamanehong electronic bike o e-bike matapos mahagip habang patawid ng riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Uni,t ang biktimang ay residente ng Mulawin Alley Peralta Street sa Sta. Mesa.

Base sa ulat na isinumiteng ulat ni P/Cpl. Mañaol kay P/Lt. Tom Fallar, chief investigator, pasado alas 6:30 ng gabi, nang maaksidenteng mahagip ng dambuhalang tren ng PNR ang biktima habang nagmamaneho ito ng e-bike sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Mañaol, binabagtas ng ginang ang kahabaan ng westbound ng Dr ML Carreon Street, at pagsapit sa nabangit na lugar sa railroad crossing ng Paco, nahagip ito ng tren, habang patungo sa northbound.

Nakaladkad ng may ilang metro ang layo ng biktima kasama ang e-bike hanggang nagresultang agaran nitong pagkamatay.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD (Manila Police District) Sta. Ana Police Station at kinordon nila ang lugar saka nila ito itinawag sa traffic bureau para sa imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE