Gallora

Gallora, MPD11 pinarangalan People’s Tonight

May 23, 2022 Jonjon Reyes 206 views
MPD
Tinatanggap ni Jon-Jon Reyes, Peoples Tonight photojournalist, ang Certificate of Appreciation para kay Ma,Teresa Lardizabal, managing editor ng People’s Tonight, mula kina Nelson Guevarra (kaliwa), chairman ng Station Advisory Council at Police Lt. Col. Magno Gallora Jr.(kanan), Commander ng MPD Station 11,sa Binondo Manila.

PINARANGALAN ang Peoples Journal Tonight ng Manila Police District Station 11 sa pangunguna ni PLt. Col. Magno Gallora Jr. dahil sa pagsulong ng magandang imahe ng kapulisan at paghahatid ng totoong balita ukol sa mga programa at mga aktibidad ng mga pulis lalo na ng nasabing istasyon upang mapanatiling ligtas at mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan hindi lang sa kanilng nasasakupan kundi pati na sa buong bansa.

“Ito ay gesture of appreciation natin sa ginagawang pagsuporta ng People’s Tonight sa campaign against all criminalities. Dahil dito ay napopromote ng dyaryo, ng media, yung ating mga ginagawang importante. Hindi lang yung napapapabalitang magandang ginagawa ng mga pulis natin bagkus napopromote po na talagang ang Meisic Police Station ay nakkikita ang kanilang pagtatrabaho. Very much appreciated po sa yan samin. Napakalaking bagay po samin na makita ang aming agagawa. Maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa amin. Sana po ay hindi kayo magsawa,” ang mensahe ng pasasalamat ni PLt. Col. Gallora.

Ang parangal ay ibinigay ni PLt. Gallora sa People’s Tonight matapos ang flag raising ceremony sa Meisic Police Station sa Binondo, Manila nitong Lunes, May,23 2022.

Ibinahagi naman ng People’s Tonight sa pamumuno ni Ma. Teresa Lardizabal, managing editor, ang nasabing parangal sa kanyang naging katuwang sa pagsuporta sa magagandang gawain ng mga kapulisan at pagsulong ng peace and order campaign ng PNP na sina Gus B. Villanueva, ang yumaong editor ng Journal Group; Manuel Ces, managing editor ng People’s Journal na sister publication ng People’s Tonight; at mga reporter, photographer at staff ng Journal Group of Publications.

Ayon pa kay PLt. Col. Gallora, lubos siyang nagpapasalamat sa People’s Tonight at People’s Journal dahil sa walang sawang pagsuporta sa kanilang mga aktibidad sa kanilang himpilan at sa paghahatid ng mga totoong balita tungkol sa mga kampanya ng kapulisan lagan sa krimen.

“Malaking bagay o tulong ang makapaghatid ng totoong balita sa mga mamamayan,”aniya.

Pinarangalan din ng MPD11 si PG Flex CEO Nelson Guevarra, chairman ng Station Advisory Council ng MPD Station 11 at chairman ng External Affairs Committee ng FFCCCII.

Pinasalamatan din ni Lt. Col. Gallora si Guevarra dahil sa mga tulong at suporta rin nito sa mga pangangailangan ng kapulisan tulad ng dagdag na gasolina at pagpapagawa ng mga ibang sasakyan na gamit sa pagpapatrolya sa kanilang kinasasakupan. Ni JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE