Dalaga natagpuang walang buhay sa QC

May 22, 2022 Melnie Ragasa-limena 83 views

NATAGPUANG wala ng buhay at may tama ng baril sa ulo ang isang 22-anyos na dalaga sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City, noong Biyernes ng hapon.

Sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala- 1:00 ng hapon (May 20) nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang silid.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Anthony R. Tejerero ng CIDU, sinabi umano ng ina ng biktima galing umano siya ng palengke pero nang papasok na siya sa gate ay biglang umalingawngaw ang malakas ng putok ng baril sa loob ng kanilang tahanan.

Mabilis na tumakbo sa loob ng bahay ang ginang at nagtungo sa silid ng anak pero bumungad sa kaniya na duguan ang ulo ng anak at nakahadusay sa sahig, habang nasa ulunan nito ang baril na ginamit sa pagpapatiwakal.

Agad na humingi ng saklolo ang nanay ng biktima sa kanilang mga kapitbahay at isinugod sa Commonwealth Hospital pero binawian din ng bauhay ang kaniyang anak bandang 6:12 ng gabi, ayon sa attending physician na si Dr. Ernesto Cabreros.

Nabatid na “hypovolemic shock secondary gunshot wound, head, self inflicted” ang ikinasawi ng biktima.

Nasamsam ng mga awtoridad sa crime scene ang isang unit ng Colt MK IV cal. 45 firearm na may limang bala, isang fired cartridge case at isang basyo ng bala. Ni MELNIE RAGASA-JIMENA