Grace

Gabby magiging lolo na

March 19, 2023 Aster Amoyo 858 views

MALAPIT nang maging grandfather ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion dahil more than seven months pregnant ngayon ang kanyang kaisa-isang anak sa businesswoman at dating politician na si Grace Ibuna na si Garie Concepcion (Maria Gabrielle Ibuna Concepcion) courtesy of her long-time boyfriend, ang singer-actor na si Michael Pangilinan.

Si Garie ay half-sister ni KC Concepcion, panganay at kaisa-isang anak ng actor na si Gabby sa kanyang ex-wife, ang megastar na si Sharon Cuneta. She has other half-siblings (sa father side) at ang mga ito ay sina Cloie Skarne-Hill (anak ni Gabby sa kanyang second ex-wife na si Jenny Syquia) now based in Sweden, at dalawang young children ng actor sa third wife nitong si Genevieve Yatco Gonzales-Concepcion na sina Samantha at Savannah.

Si KC ang gumawa ng paraan na maging close silang magkakapatid (sa ama) being the eldest among the siblings.

Sa magkakapatid ay si Cloie pa lamang ang may-asawa. Ang dating beauty queen (from Sweden) ay ikinasal kay Fredrick Hill in Sweden nung July 9, 2022 na personal pang dinaluhan ni KC.

Among his five daughters, kay Cloie lamang hindi ganoon ka-close si Gabby.

Samantala, ang singer-actor na si Michael Pangilinan ay may seven-year-old son sa kanyang ex-girlfriend na si Erin Ocampo na si Kiel kaya ang magiging first baby nila ni Garie will be his second child.

Ipa pang celebrities na buntis

IzaIza1MARAMI rin ang expectant celebrity moms this year and these include Iza Calzado (sa kanyang husband na si Ben Wintle), Bianca King (sa brother ni Ben na si Ralph Wintle), Isabelle Daza, her 3rd sa French husband niyang si Adrien Semblat, Kris Bernal as mister niyang si Perry Choi, Gwen Zamora sa magiging second baby nila ng cager-husband niyang si David Semerad, Rachel Peters sa second baby nila ng politician husband niyang si Migz Villafuerte, Rachelle Ann Go, her second sa husband niyang si Martin Spies, second baby from celebrity couple Juancho Trivino and Joyce Pring, ang magiging first baby ng social media influencer and gamer na si Aeriel Garic at ex-PBB housemate na si Patrick Sugui, ang PBA player na si Scottie Thomspon (ng Barangay Ginebra) at wife nitong si Jinky (for their first baby). First baby rin ang ipinagbubuntis ngayon ni Trina Legaspi at Ryan Jarina.

Ang nakakatuwa sa mag-sister-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King (who are both married to brothers Ben and Ralph Wintle), magkasunod na araw o buwan lamang ang pagitan ng kanilang panganganak sa kanilang respective first babies.

Ralph met Bianca sa kasal nina Iza at Ben in Palawan.

Iza and Bianca are due to give birth to their respective babies any day soon.

LT all praises kay Bela

IMGPAGKATAPOS ng pelikulang “366” na siyang directorial debut film ng writer, actress, director at producer na si Bela Padilla, tapos na rin niyang gawin ang pelikulang “Yung Libro sa Napanood Ko,” na kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na magsisimula ngayong April 8 -18, 2023. Ito’y mula pa rin sa panulat, direction at co-production ni Bela with Viva Films and her own film outfit, ang Whisky Marmalade. Tampok sa nasabing pelikula sina Lorna Tolentino at ang Korean actor na si Yoo Min-gon (Kim Gun Hoo) Boboy Garovilo, Malena Leonard, Goda Choi, Garole Dorothy Bowlby, Kim Jin-mok at Raul Montessa.

Magaling magsalita ng Ingles ang Korean actor na si Yoo Min-gon kaya hindi nahirapan si Bela. The Korean actor stayed in Canada for 15 years. First choice din niya si LT for her role in the movie kaya itinuturing itong `dream-come-true’ project ng actress, writer, director at producer.

For LT na isa nang movie icon and award-winning actress, nagulat siya sa husay ni Bela hindi lamang bilang actress kundi bilang writer, director at producer.

“She’s even too young to be able to do all these things,” pahayag ni LT at the presscon ng pelikula.

Ayon kay Bela, pre-pandemic umano ang proyektong ito na na-hold dahil sa pandemya. Pero kanyang ipinagpapatuloy nang magluwag-luwag na ang health protocol.

Bela who is currently based in London is currently in Manila to promote the movie with Yoo Min-gon at LT and the rest of the cast.

Mahirap ang papel na kanyang ginagampanan lalupa’t hindi lamang siya writer, actress at director sa nasabing proyekto kundi co-producer din siya ng Viva Films, her home studio.

Eighty per cent of the film was shot in South Korea kaya malaking adjustments ang kailangang gawin ng lahat. Ten hours lang ding allowed magtrabaho ang mga actors at production people kaya kailangan din nilang maging mabilis. Just the same, nagpapasalamat si Bela dahil natapos nila ang proyekto nang wala silang kahirap-hirap. Everyone was up on their toes, professional and cooperative kaya hindi sila nagka-problema while filming the movie.

Samantala, si Yoo Min-gon ay nakakontrata na rin sa bakuran ng Viva Artists Agency kaya expect more local projects for him which excites him even more.

Kung si Bela at ibang Filipino actors and productions workers ay nag-ajudst sa working condition in South Korean, ganoon din ang ginawa ng Korean actor while filming the movie in the Philippines.

Celebrity items, art pieces for sale

ItemItem1Item2IT was good friend, writer-reporter of “TV Patrol” Mario Dumaual who invited us na silipin namin ang ongoing art exhibit ng mga sapatos sa 4th floor ng Estancia in Pasig City na tinatampukan ng mga gawa ng mga kilala and unknown artists. Bayanihan ang nasabing proyekto na mag-iikot sa iba’t ibang major hotels in Metro Manila kung saan nakatakdang i-auction ang mga art memorabilla ng mga shoe exhibits na hango sa mga molde ng wooden shoes na nilagyan ng iba’t ibang form of art.

Ang art exhibit ay mapupunta sa auction kung saan ang perang malilikom ay mapupunta sa iba’t ibang charity projects.

Lahat din ng mga nasa-exhibit ay nagmula sa bayanihan ng iba’t ibang artists at ang mga ito ay pang collector’s items or art pieces.

Nabalitaan din namin na magku-contribute umano ang actor at art patron, ang actor na si John Lloyd Cruz gayundin ang kanyang rumored girlfriend na si Isabelle Santos.

Pinamagatang “Project Hulmahan,” ang ongoing exhibit sa Estancia Mall ay tatagal hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan at ready for auction to the public.

Isa sa mga involved sa nasabing proyekto ay ang veteran actress na si Dolly de Leon na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE