Francine

Francine, bet gawin ang ‘Esperanza’ ni Juday

September 10, 2023 Vinia Vivar 223 views

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gustung-gusto pala ni Francine Diaz na i-remake ang soap opera ni Judy Ann Santos na Esperanza.

Noon pa raw kasi ay may clamor na ang fans ni Francine tungkol dito since si Francine ang nakikita nilang parang susunod sa yapak ni Juday. May ginawa pa raw online survey kung sino ang napipisil nilang gumanap na Esperanza if ever ng magkakaroon ng remake at ang young actress ang nag-top answer.

Of course, sey ni Francine, sobrang willing siya to do it.

“Ibang level po ang Esperanza and we all know naman po na si Ms. Judy Ann Santos ang talagang bida do’n at siya ‘yung nagbigay-buhay kay Esperanza, and if ever po na mabigyan ng chance, opo, tatanggapin ko po,” sabi ni Francine at the mediacon of Fractured na bago nilang series ni Seth Fedelin.

Hindi naman imposible na i-remake ng ABS-CBN ang Esperanza at hindi rin malayo na si Francine ang mapisil na bida if ever since may clamor na nga ang mga tao.

Samantala, nagpahayag naman si Seth Fedelin na gusto niyang magtuluy-tuloy na talaga ang tambalan nila ni Francine at excited nga sila na aside from Fractured ay may sisimulan na sila ulit na isa pang proyekto.

“Basta ‘yung susunod namin ni Francine, abangan n’yo po talaga, espesyal ‘to,” sey ni Seth.

ELIJAH AT JEROM, INALAY ANG TATTOO KAY JM

Iflinex ni Elijah Canlas sa Instagram ang tattoo na ipinalagay nila ng kapatid na si Jerom in memory of their younger brother, JM, who passed away recently.

Makikita sa larawan ang tattoo nina Elijah at Jerom sa braso na thumbs-up sign at nakalagay pa ang name ni JM.

Sa caption ay sinabi ni Elijah na laging nagbibiro si JM noong nabubuhay pa na gusto niyang magpa-tattoo.

“When you’d always joke about wanting to get a full sleeve of tattoos, JM? Tapos sasakyan ko yung pagbibiro mo kay mom until she gets pissed and tells us to not go home if we do push through with it.

“Guess what? Kuya Jerom and I just got tatted today. We even brought Iya with us. Mom’s fine with it now. She actually wants to get one herself. Even Dad wants to get tatted now,” ang mensahe ni Elijah sa pumanaw na kapatid.

Sinabi rin ng aktor na pati ang mga pinsan nila ay nagpalagay din ng matching tattoos.

“Pero siyempre tungkol sa ’yo ang design. Your favorite thumbs up pose with your name enlaced on it designed by ate Zia. Our cousins also got the same design marked on them. Matching kami lahat,” aniya.

Sa huli ay ipinahayag din ni Elijah kung gaano niya nami-miss ang kapatid.

“I want you with me forever and always. We all do. I can’t believe it hasn’t even been a month. Thank you for being my strength. I miss you so much it hurts. Pero kaya ito ni kuya. Kaya namin ito.

We love you more than anything, JM! Habang buhay. Habambuhay,” mensahe ni Elijah sa bunsong kapatid.

Matatandaang pumanaw si JM noong Aug. 3 at the age of 17.

AUTHOR PROFILE