Baron Larawan at screenshot mula sa X/@baron_geisler at @bigboss118011

Baron naaliw sa babaeng galit na galit sa kanya

September 10, 2023 People's Tonight 193 views

PINANGGIGILAN ang karakter ng aktor na si Baron Geisler ng isang netizen habang pinapanood ang isang eksena sa TV series na “Senior High.”

Sa isang X (Twitter) post nitong Sabado, Setyembre 9, ibinahagi ng aktor ang isang video ng babaeng tila galit na galit sa kanyang karakter na ginagampanan na si Harry Aguerro sa nasabing serye. Makikita pa ang babae sa video na nakatayo habang nanood at tila aambahan pang suntukin ang kanilang TV.

Kinaaliwan naman ito ni Baron dahil nais pa nga niyang malaman ang pangalan ng babae sa video upang bigyan ng matamis na pagbati base sa kanyang quote retweet.

“What’s her name will send her a sweet greeting,” pahayag ng aktor.

Marami namang netizens ang tila naka-relate sa panggigigil ng babae sa video sa karakter ni Baron at ang karamihan pa nga sa kanila’y pinapurihan ang husay niya sa pagganap.

“Sa sobrang galing nyo po @baron_geisler nagagalit na mga tao sa character nyo po!”

“Sa galing mo sir, nadadala mo kami sa eksena. Pasyenso po if naiinis kami pero sa character nyo lng po un. hehehehee.”

“Grabe ka talaga umarte sir @baron_geisler kuha mo inis ko.”

“Hi kuya Baron! You are one hell of an artist. God bless!”

“Sa sobrang galing mo po umarte, nung umpisa ng episode nakahiga pa akong nanonood by the end of the episode nakatayo na ako sa harap ng tv habang hawak yung remote.”

“Magaling ka kasi umarte you give justice to your character kaya feel na feel ng bawat viewers. We may hate you’re character in senior high but we really love the way to act.”

“It clearly shows how good you are as an actor… Its when they get carrried away sa pinapanood nila.. Good job!”

AUTHOR PROFILE