Mimiyuuh Photo: Mimiyuuh/IG

Mimiyuuuh ala-Kardashian na ang dating

September 10, 2023 People's Tonight 207 views

KINABOG ng social media influencer na si Mimiyuuuh ang ilang celebrity, matapos ang level-up fresh make-up look nito na ibinahagi niya sa kanyang Instagram.

Mala-Kardashian ang dating ni Mimiyuuuh sa kanyang thick and bold make-up kasama ang ash-grey contact lens nito, na umano’y standard ng mga face card.

“Bago matapos ‘tong araw na ‘to, gusto ko lang malaman niyo na ganito po ang itsura ng face card. Kimmmmyyy!,” saad ng influencer.

Ilang celebrity naman ang nagandahan sa pakak na look ni Mimiyuuuh, kabilang sa nagbigay komento ay sina Liza Soberano, Sanya Lopez, Bea Alonzo, Jo Berry, Dani Barretto at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE