Dani Larawan: Dani Barretto/IG

Dani Barretto: ‘I don’t live to please’

September 10, 2023 People's Tonight 268 views

IBINAHAGI ng content creator at entrepreneur na si Dani Barretto sa kanyang YouTube channel ang isang podcast tungkol sa “beauty standard.”

Makatotohanan at malalim na salita ang binanggit ni Dani sa bagong upload niyang podcast kasama ang isang kaibigan.

Aniya,”Kung ang standard ng beauty sa ibang tao hindi ako, hindi ko na problema ‘yon. Kung standard nyo ng beauty is perfect, hindi ako talaga ‘yon kasi hindi ako perfect.”

“Basta kung anong standard meron kayo at hindi ko man name-meet ‘yon, hindi sa akin ang problema, sa inyo ‘yon,” dagdag pa niya.

Sey pa ni Dani, hindi umano tayo nabubuhay para i-please ang lahat ng taong gustuhin tayo o mahalin ang kung anong meron tayo.

“I do not live to please you. Yung sarili ko na lang, if I feel great or beautiful, wala na akong pakialam kung ano ‘yung naiisip niyo sa akin. What matters is what I feel,” saad ni Dani.

AUTHOR PROFILE