Alden

Lolit: ‘Kawawa naman si Alden’

September 10, 2023 People's Tonight 315 views

SA Instagram post ng showbiz columnist na si Lolit Solis nitong Linggo, Setyembre 10, sinabi niyang naaawa umano siya sa Kapuso heartthrob na si Alden Richards.

Ispluk kasi ni Manay Lolit na marami umanong mga taong pinipigilan si Alden na gawin ang mga gusto niya sa buhay.

“Bakit kaya parang may mga tao Salve na parang gusto pigilan si Alden Richards sa mga gusto niya gawin? Dapat lang na kung ano ang gusto niya mangyari sa buhay niya. Kawawa naman si Alden kung hangga ngayon meron parin mga tao na gusto makialam sa buhay niya,” ani Lolit.

Dagdag pa ni Lolit, dapat lang umanong gawin ng Kapuso aktor ang mga bagay na makapagbibigay ligaya sa kanya.

“Narating na ni Alden Richards ang pangarap niya at siguro naman dapat lang na kung ano ang nakapagbibigay ligaya sa kanya iyon ang gawin niya. It is unfair na mag-imposed ang kahit sino sa buhay ng ibang tao lalo pa ni Alden Richards,” sey ni Lolit.

Nagpapasalamat naman si Manay Lolit na suportado ng personal assistant ni Alden na si Tenten ang mga hilig ng aktor.

“Talaga naman alaga ni Mama Tenten si Alden kaya tiyak na lahat ng dapat gawin ginagawa niya para maging maayos lahat sa buhay ni Alden. Nandiyan naman si Mama Tenten na pwede gumabay sa kanya. Kaya go lang Alden, do your thing. Basta maligaya ka lang,” saad ng columnist.

AUTHOR PROFILE