Dingdong

Fluvial Parade of Stars ng MMFF, dinagsa

December 19, 2021 Ian F. Fariñas 269 views

BootsRAIN or shine ay matagumpany na itinuloy ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority, sa pangunguna ng chairman nitong si Mayor Benhur Abalos, ang pagdaraos ng kauna-unahang Metro Manila Film Festival fluvial Parade of Stars sa kahabaan ng Pasig River.

Nabasa man ang mga artistang may entry sakay ng mga ferry na binihisan bilang floats, eh, hindi naman sila nabigo dahil talagang dinagsa ng publiko ang parada.

Panay nga ang paalala ng event hosts na si Candy Pangilinan tungkol sa pagme-maintain ng social distancing at pag-observe ng minimum health protocols sa gitna ng programa.

Ilan sa mga namataang opisyales sa event ay sina MMDA Chairman Abalos, Boots Anson-Rodrigo, Movie Television Review and Classification Board chief Atty. Jeremiah “Ogie” Jaro, MMFF at MMDA general manager na si Don Artes, atbp.

Matapang din na sinuong ng mga artista ang rainy Sunday parade kabilang na ang A Hard Day cast members na sina Janno Gibbs, Meg Imperial at Pio Balbuena, Rita Daniela, Ken Chan at Direk Louie Ignacio ng Huling Ulan sa Tag-Araw, Love At First Stream stars na sina Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner at Kaori Oinuma, Nelia cast na sina Shido Roxas, Ali Forbes, atbp.

Kanya-kanya ring representatives ang iba pang official entries na Big Night (ng Cignal Entertainment, Ideafirst Company, Octobertrain Films at Quantum Films); Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) (ng Cinematografica, Plan C, House on Fire); Huwag Kang Lalabas (Obra Cinema and Cineko Productions); at The Exorsis (TinCan Productions at Viva Films).

Ang MMFF 2021 ay magsisimula sa December 25.

Gaya ng six months na buntis na bida ng Nelia na si Winwyn Marquez, hindi rin naka-attend ng fluvial parade ang lead characters ng A Hard Day na sina Dingdong Dantes at Volpi Cup best actor awardee John Arcilla.

Public knowledge na si John, maingat sa paglabas dahil sa experience niya sa Covid-19 pandemic.

Si Dingdong naman, palabas pa lang ng mandatory quarantine kasama ang misis na si Marian Rivera dahil kababalik lang mula sa pagiging miyembro ng 70th Miss Universe Selection Committee sa Eilat, Israel.

Anyway, sa isang virtual mediacon bago ang fluvial parade, sinabi ni Dingdong na sobra ang pasasalamat niya kay John na tinatawag niyang “Heneral” at sa co-stars nilang sina Janno, Meg, atbp. dahil kundi raw sa tulong ng mga ito ay hindi ganu’n kaganda lumabas ang hard action movie.

Ang A Hard Day ay Pinoy adaptation ng isang sikat na Korean film. Ang local version ay sa ilalim ng direksyon ni Law Fajardo na puring-puri rin ni Dingdong dahil collaborative raw ito bilang direktor.

Kwento pa ng aktor, hardcore action ang movie mula umpisa at privileged siya na makatrabaho ang isang aktor na gaya ni John.

“Heneral John made the experience worth it,” ani Dingdong na mas kilala bilang screen hearttrob o romantic lead.

“He’s really someone I look up to and I’m grateful for this chance to work with him,” dagdag ng aktor.

Hinikayat din ni Dingdong ang publiko na suportahan ang lahat ng kalahok sa MMFF ngayong taon para muling makabangon ang pelikulang Pilipino na labis na naapektuhan ng pandemyang Covid-19.

AUTHOR PROFILE