Tyson

Fil-Canadian Tyson Venegas isang hakbang na lamang ang panalo sa ‘American Idol’

April 11, 2023 People's Journal 277 views

ISANG hakbang na lamang sa panalo ang Filipino-Canadian na si Tyson Venegas sa “American Idol” Season 21 matapos niyang umabante sa Top 24.

Unti-unting gumawa ng ingay si Tyson matapos nitong mapanalunan ang unang platinum ticket ng “American Idol” noong Pebrero, at kumpirmadong umabante sa Top 24 na naturang show, ayon sa pahayag sa opisyal na Twitter ng ‘American Idol’ noong Lunes, Abril 10.

Nag-post din sa kanyang Instagram account ang singer para ipahayag ang kanyang kasiyahan dahil sa nangyari. Sa video, makikitang malakas niyang pinaglapat ang kanyang mga kamay dahil sa tuwa.

“SO HAPPY TO ANNOUNCE I MADE IT TO THE TOP 24! I have met so many amazing friends and artists on this journey and I can’t believe it’s not over yet,” ayon sa caption ni Tyson.

AUTHOR PROFILE