Sef

Fiancee ni Sef nanganak na

March 22, 2024 Aster Amoyo 335 views

Baby‘STARSTRUCK V’ alumnus-turned actor-comedian, dancer and commercial model Sef Cadayona (John Paul Joseph Cadayona) – 35 is now a brand new father after his fiancée Nelan Vivero gave birth to their first child.

It was in October 2023 when the engaged couple announced the coming of their baby. Two months earlier, nung August 30, 2023 na-engage ang dalawa.

Paghandaan muna nina Sef at Nelan ang kanilang pagiging brand new parents to a baby girl bago nila harapin ang pagpapakasal.

Sef started his showbiz career nang siya’y maging contestant ng talent reality show ng GMA nung 2009, ang Starstruck V kung saan sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang tinanghal na Ultimate Female and Male Survivors. Pero ito ang naging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz when he was signed up by GMA to be part of their roster of talents ng Kapuso network.

In 2013, Sef was in a short romantic relationship with Viva’s Yassi Pressman pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Nagkasama ang dalawa sa isang serye ng GMA, ang “Kaleidoscope World” kung saan sila nagkalapit.

Dating bold actor tinakbuhan ng nakaaksidente

AntonNASAAN na ngayon ang dating sexy actor ng Seiko Films na si Anton Bernardo na nakilala sa mga pelikulang “Patikim ng Pinya,” “Kiliti,” “Linggo Lang ang Pahinga…Dapat Lang,” “Nang Mamulat si Eba, Part 2,” “Sa Paraiso ni Efren,” “Anakan Mo Ako” at iba pa?

Just a few days ago ay na-hit-and-run siya ng isang naka-motorsiklo, binangga siya at tinakbuhan pero hindi niya ito naplakahan. Nagtamo ng mga sugat sa katawan at paa ang actor. Kailangan siyang dalhin sa ospital at magpagamot pero hindi niya ito magawa sa kakapusan ng pera. Bago nangyari ang aksidente ay na-scam siya sa isang online investment amounting to almost P400,000. Dahil dito ay tuluyan siyang nawalan ng pera lalupa’t wala naman siyang regular na pinagkakakitaan. Tumigil na rin sa pag-aaral ang kanyang anak.

Nananawagan ang aktor ng tulong pinansyal at pampagamot sa kanyang mga tinamong sugat sanhi ng aksidente para siya’y makapaghanap-buhay for his family.

Sana umabot ang panawagan ni Anton kina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada maging kay Coco Martin na kilala sa pagiging matulungin sa kanyang kapwa artista na nangangailangan ng tulong.

Umaasa rin ang dating sexy actor na sana’y makabalik siya sa showbiz sa tulong ni Coco.

Maagang pa-birthday kay Vice Ganda

ViceMAAGANG pa-birthday kay Vice Ganda ang recent development ng kanilang daily noontime show na “It’s Showtime” na mapapanood na sa GMA simula sa April 6, 2026, araw ng Sabado.

Hindi napigilan ni Vice ang maging emotional sa makasaysayang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN and GMA top executives kung saan lahat ng mga hosts at involved sa “It’s Showtime” ay present.

Tulad ng “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey na nagpalipat-lipat din ng tahanan (from RPN, ABS-CBN, GMA and now TV5), hindi rin naiiba ang “It’s Showtime” na pinangungunahan ng comedy superstar na si Vice Ganda.

Magmula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020, naging tahanan ng programa ang A2Z (Zoe Channel 11)) TV5 at GTV na subsidiary ng GMA para lamang maihatid ang saya sa mga manonood. Pero may mas maganda pa palang mangyayari na mapapanood na ang “It’s Showtime” sa GMA matapos magpaalam sa ere ang “Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE, Inc. na naging kapalit ng “Eat Bulaga” na lumipat na ng TV5.

The noontime show, “It’s Showtime” will celebrate it’s 15th anniversary sa darating na Oktubre.

MMDA naghahanda na sa 50th MMFF

NGAYON pa lamang ay pinaghahandaan na ng Metro Manila Film Festival executive committee ang golden anniversary ng MMFF sa darating na December 25, 2023 – January 7, 2025. Tiyak ding naghahanda na rin ang iba’t ibang producers ng mga proyektong gusto nilang isali sa 50th MMFF.

Although hindi pa nag-aannounce si MMDA acting chairman at MMFF Chairman na si Atty. Romando Artes kung sampu pa rin ang magiging kalahok sa 50th MMFF, umaasa ang mga producers na sana’y i-maintain na ang ten official entries sa halip na walo lamang dahil mas maraming manonood ang tumatangkilik sa MMFF kesa ordinary at regular playdate.

Ang mga pelikulang makakapasok as official entries sa MMFF ay siya ring ipalalabas sa Hollywood, California para 2nd Manila International Film Festival.

Imelda abala sa block screenings

ImeldaDAPAT sana’y sa April 10, 2024 na ang playdate ng “The Untold Story of Imelda Papin” na pinamahalaan ni Gabby Ramos under Queenstar Film Production na tinatampukan nina Claudine Barreto (portraying the role of Imelda Papin), Alice Dixon, E.R. Ejercito, Gary Estrada, Maffi Papin at marami pang iba pero ito’y naurong to a later date dahil abala ngayon ang Jukebox Queen-turned film producer at dating vice-governor ng Camarines Sur sa kabi-kabilang block screenings ng movie pati na sa ibang bansa.

Since malapit na ang mid-term elections next year, sasabak ba muli si Imelda sa larangan ng pulitika?

“We’ll see,” aniya. “I’m not closing my doors,” dugtong pa ng Asia’s Sentimental Songstress known for her classic hit songs na “Bakit,” “Isang Linggong Pag-ibig” at marami pang iba.

Christian puring-puri ng bagong producer

KAHIT hindi gaanong kumita sa takilya ang pelikulang “Broken Hearts Trip” na pinagbidahan ni Christian Bables under BMC Films International na naging kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival na ipinalabas din sa Hollywood sa 1st Manila International Film Festival, hindi ito dahilan para tumigil sa pagpu-produce ang L.A.-based film producer na si Benjie Manansala Cabrera. Sa katunayan, may mga proyekto na rin siyang naka-line-up for this year at nakatakda siyang dumating sa Pilipinas this April for various meetings with various stakeholders.

“Marami akong natutunan sa first attempt ko as film producer,” pahayag ni Benjie.

Puring-puri rin ni BMC ang lead actor ng kanyang debut movie na Christian Bables dahil bukod sa pagiging mahusay nitong actor, mabait at pagiging professional nito sa kanyang trabaho, napakasipag din umano nitong mag-promote ng kanyang movie hanggang sa Amerika.

“Napaka-warm, friendly at accommodating niya sa mga tao,” pahayag pa ni Benjie.

“Given the chance, gusto ko ulit siya kunin in my future projects,” susog pa ng bagong film producer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE